Iza Calzado na-intimidate noon kay Cherry Pie Picache: Ang husay niya!

Iza Calzado na-intimidate noon kay Cherry Pie Picache: Ang husay niya!

BINALIKAN ng aktres na si Iza Calzado ang kanyang journey sa pag-aartista at ang mga karanasang hindi niya makakalimutan lasama ang mga veteran artists noong nagsisimula pa lang siya sa industriya.

Sa interview niya kay Tito Boy Abunda sa YouTube Channel nito noong February 23 ay masaya niyang binalikan ang pangyayari kung saan ka-eksena niya si Cherry Pie Picache.

“I was just four years into this (showbiz) so I was very intimidated and she’s a very warm person, very generous but still ako yung ‘Oh my God, Oh my God. I can’t mess this up’ and I did,” pag-alala ni Iza.

Kuwento niya, natulala na lamang siya sa aktres at hindi na naka-deliver sa dapat scene nilang magkasama.

“Take one binigay na nung Cherry Pie yung lahat tapos ako ‘yung hindi nakadeliver kasi midway nakaganon lang ako, ‘Oh my God, paano niya ginagawa ‘to. Ang galing niya. Ang husay niya.’ And it happened to me so many times na I just become so floored like, ‘How is this person doing that?’” dagdag pa ni Iza.

Naalala rin niya noong minsang magkasama sila sa pelikulang “Etiquette for Mistresses” ay tila na-starstruck rin sya sa aktor sa kalagitnaan ng kanilang scene.

Aniya, “I was, at some point, kumawala ako nang konti kasi I was observing like how is he so like… I just tell myself “You are brilliant’.”

Ibinahagi rin ni Iza ang kanyang “hunger” na mas matuto at mas mapabuti pa ang kanyang skills na makakatulong sa pag-hone ng craft sa kabila ng pagiging matagal na sa industriya.

“Even when my performance was not good or the movie was not good or my role was not good, I’m okay with it. It’s part of me clocking in my hours,” Calzado added. “It’s part of my growth and learning curve and I’m very thirsty and hungry to learn.”

Related Chika:
Iza Calzado lilipad na rin bilang Darna: Naiyak ako!
Iza inalala ang paglaban sa COVID makalipas ang 1 taon: Please fight to survive!

Read more...