Kris bye muna sa socmed para maghanda sa bagong treatment; friendship kay Angel matagal nang nasubok

Kris bye muna sa socmed para maghanda sa bagong treatment; friendship kay Angel matagal nang nasubok

BAGO natulog si Kris Aquino ay muli siyang nag-post almost 1AM ay pinost niya ang Bible verse through art card mula sa Philippians 4:NIV.

“12 I know what it is to be in need, and I know what it is to have plenty. I have learned the secret of being content in any and every situation, whether well fed or hungry, whether living in plenty or in want. 13 I can do all this through him who gives me strenght. 14 Yet it was good of you to share in my troubles.”

Ang caption ni Kris dito ay, “Sobrang dami ninyo, bago ako matulog gusto kong mag THANK YOU. 8 months ago, my brother died, at some point, I’ll be ready to share our journey, and how profoundly his death changed me and my priorities.

“Most important lessons: we can’t change the past, today is all we have, because tomorrow is never promised. FAMILY should always come first. Fulfill your promises because you are only as good as the words you honor, and alagaan, pasalamatan, mahalin yung mga taong tapat at totoong may malasakit sa yo.

“Ang pinaka importante, unahin ang iba (especially ‘yung mga mahalaga sa puso mo) bago ang sarili.”

Nagsabi rin si Kris na kailangan niyang magpahinga at stress free hanggang Linggo para ihanda ang sarili para sa bagong treatment na gagawin sa kanya at humihingi siya ng panalangin na kayanin ito ng katawan niya.

“Off line po muna ako, baka lang magtaka kayo. Kailangan ko maging rested & as stress free as possible until Sunday kasi may susubukang treatment… praying very hard na kayanin ng katawan, kasi ito yung magiging paraan para maging mas okay ang quality of life ko.

“1st dose ito, pero alam ko ‘yung possible risks involved. Please pray for the doctors & nurses na mag-aalaga sa kin. The whole process will take about 4 hours plus observation time. 3 days rest before and 3 days rest after. I have faith in God’s plan and His timing.

“Please ‘wag natin i-claim that I’ll be healed, ‘wag natin S’yang pangunahan. I continue praying for the Faith to continue Hoping that I’ll get healthy enough for those who still need and Love me. Good night.”

Pero bago ito ay may naunang post si Kris ng larawang kasama ang mga kaibigan kabilang ang aktres na si Angel Locsin na kahit na anong mangyari ay nasa tabi niya mula noon hanggang ngayon at ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby.

Ang caption nito ay, “we’ve known each other mula nu’ng baby pa si Bimb, first friend n’ya ko sa network namin nu’ng bagong lipat siya. Never did I expect na magiging friends for life na kami.

“Name it, napagdanaan na namin together pero ang maganda, hindi for public consumption. Super small gathering lang for the people I am closest to, more than a week after my birthday.

“Obviously, alam namin ni ‘Gel kung anong kulay kami this 2022. BUT happy ako to embrace the rainbow (emoji rainbow) (well, except for 1 color-for-now, get’s n’yo na di ba?)

“Ready, action agad, hindi puro pangako lang ang pagtulong sa mga nangangailangan (kaya nga po nabuo at tumibay ang samahan dahil sa mga relief ops namin). #lovelovelove from Ate/Ninang Kris & Angel na parehong nagmamahal sa BAYAN. We (emoji smiling heart) the (emoji Philippine flag).
Mabuhay ang KALAYAAN at DEMOKRASYA (emoji yellow heart).

Sumagot naman si Angel sa post na ito ng Ate/Ninang niya ng, “#lovelovelove.”

Taimtim na panalangin mula sa BANDERA para sa bagong treament na gagawin kay Kris.

Related Chika:
Kris mahaba pa ang laban para gumaling ang wasak na puso, pero tuloy ang pagtulong kahit lumala ang sakit

Read more...