Boobs ni Sue Ramirez nilait-lait ng basher: Kaya pala hindi nagsusuot ng bra, plywood pala!

Sue Ramirez

MULI na namang nabiktima ng body shaming ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez sa social media matapos siyang mag-post ng bago niyang bikini photo.

Walang takot at walang hiya-hiyang inokray ng isang basher ang boobs ng “The Broken Marriage Vow” actress nitong nagdaang Lunes, Feb. 21.

Nag-post kasi si Sue sa Instagram ng ilang photos suot ang kanyang sexy swimsuit na kuha mula sa pagbabakasyon niya sa Amanpulo.

Halos lahat ng IG users ay puring-puri ang kaseksihan ng dalagang aktres kabilang na ang mga kaibigan niya sa showbiz tulad nina Loisa Andalio, Fifth Solomon, Ashley Ortega, Joj Agpangan at marami pang iba.

Pero may isa ngang hater na nambwisit kay Sue at nilait-lait at pinagtawanan ang boobs ng actress-singer.

Panlalait ng netizen, “Kaya pla sabi nya minsan d cya nagsusuot ng bra now I know plywood pla to back to back (laughing faces with tears emojis).”

Hindi ito pinalampas ng Kapamilya star pero sa halip na pagsalitaan ng masama at kanegahang reply,  sinakyan na lamang ni Sue ang pangmamaliit ng basher sa dibdib niya.

Sagot ng dalaga sa netizen, “O, diba? Dagdag labahin lang.” Na ang ibig sabihin ay dagdag lang daw sa labahin niya ang pagsusuot ng bra.

Ngunit kung mahinahong sinagot ni Sue ang nasabing body shamer, galit na galit naman ang kanyang supporters kaya talagang ipinagtanggol nila ang dalaga.

“Wowed! Laki ng boobs mo te!? Ang lala ng problema mo, pati boobs ng iba pakialaman teh?”

“Kaw na malaki boobs te! Kaw na talaga! Super duper big boobs ka!”

“Pato boobs ng iba pakialaman? Sige nga pakita mo sayo ng magkaalaman na!?”

“Perfect at seksi ka teh???” 


Palaging naba-bash si Sue sa pagsusuot niya ng two-piece bikini tulad na lamang noong mag-post ng swimsuit photo sa social media.

Paliwanag ni Sue sa isang panayam tungkol dito, “Malandi daw ako kasi naka-two-piece ako. Wow! Okay, sige. Thanks po.” 

Dugtong pa niya, “Nag-swimming kasi ako, so nag-two-piece ako. At ang daming nag-like, at na-appreciate nila yung pagpipigil ng kain ko sa L.A.

“I don’t really think it’s a big deal. I don’t really sexualize my body at all, wala po akong malisyang klase ng tao.

“It’s just that everybody has a body. Siguro yung mga pag-o-objectify ng mga tao, wala, e. Wala na tayong magagawa. Palalampasin na lang natin,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/303416/sue-pinakakalma-ni-jodi-kapag-umiiyak-hindi-siya-nagagalit-palagi-lang-siyang-kalmado

https://bandera.inquirer.net/303623/sue-ramirez-handa-na-nga-bang-lumagay-sa-tahimik-kasama-ang-dyowa

https://bandera.inquirer.net/285972/ang-ganda-ganda-nyo-walang-ginawa-ang-diyos-na-panget

Read more...