SARAH kay MATTEO: Gusto kong manahimik muna!

ANG suwerte naman ng isa sa top 8 contestants ng The Voice of the Philippines na si Morissette Amon dahil suportado siya ng fans ni Sarah Geronimo.

“Bongga si Morissette, sinusuportahan siya ng fans ni Sarah G, in fairness, magaling naman talaga ‘yung bagets. Nakakaloka lang, ginagaya ba niya talaga si Sarah?” ito ang sabi sa amin ng The Voice insider.

Sabagay, napansin din nga namin na may anggulong Sarah si Morissette at malalaman mo lang na hindi kapag tinitigan mo na dahil medyo malusog siyakumpara sa Popstar Princess na super slim na ngayon.

Ngayong araw ang presscon ng top 8 ng The Voice at kukulitin namin ang dalagita kung sino ang tingin niyang mahigpit niyang kalaban sa pito.

Ikaw bossing Ervin, sino ang bet mong manalo? (Actually, wala pa, pero may favorite ako sa team Apl at Team Lea! Pero blind item muna! Ha-hahaha! – Ed)

Speaking of Sarah, hatalang iwas na iwas daw ang singer sa isyu sa kanila ni Matteo Guidicelli. Nakarating sa amin ang balita na tumanggi itong magsalita hinggil sa relasyon diumani nila ng aktor.

“Basta gusto kong maging truthful sa inyo the best way that I can. But gusto ko pong manahimik na lang muna,” sey daw ng Pop Princess.

( Photo credit to Google )

Read more...