SA nalalapit na pagbaba sa puwesto bilang CEO ng Film Development Council of the Philippines o FDCP ni Chairperson Liza Dino ay looking forward na rin siyang magbakasyon.
Anuman ang maging desisyon sa pagpapalit ng bagong administrasyon pagkatapos ng Mayo 9 eleksyon ay buong puso niyang tatanggapin ito.
At ang unang gagawin ni Chair Liza kapag wala na siya ng FDCP, “Yung plans naming magka-baby, ipa-priority na. Di ba 2016 pa ‘yan nakaplano (simula palang maging head siya).”
Isa pang plano ay ang pagpapatanggal ni Ice ng breast lalo’t na-inspire siya sa paglantad ni Jake Zyrus kamakailan.
“‘Yung usapang magte-testosterone ba siya para sa transition, it’s being discussed pero wala pa kami talaga roon. Pero ‘yung gusto niya ring magpa-surgery (breast removal) okay na kami roon. Pine-prepare na lang namin ang tamang budget para magawa namin.
“We’re just looking for the right doctor para gawin ‘yun. Malay mo, this year. Baka na-inspire siya kay Jake and I know that he’s very happy for Jake,” masayang sabi ni Ms. Liza.
Bukod sa mga planong ito ay gusto ring balikan nito ang pag-arte sa harap ng kamera at sa katunayan ay pababalikin niya ng Pilipinas ang kilalang American acting coach na si Ivana Chubbuck.
“Kaya rin ako nasa US (Los Angeles), we’ll bringing Ivana Chubbuck here in the Philippines, she’s the Hollywood acting coach na naging coach nina Halle Berry, Charlize Theron, Jim Carrey, Brad Pitt (at marami pang iba).
“And we’ll bringing her to the Philippines because for me ang tagal ko ng FDCP chair pero ngayon palang ako magdadala talaga ng programs to support our actors naman, to support the importance of training.
“So, nu’ng nandoon ako nagkaroon ako ng chance na um-attend sa master class niya, Diyos ko po (tumawa) sobrang na-miss ko ang pag-arte, na-miss ko ‘yung feeling na ‘yun parang bukas na bukas ka for doing things for yourself.
“I hope that our top actors in the country will have the same experience kasi ibang klase siya as a coach,” masayang kuwento ni Chair Liza.
Sa pagkakaalam namin ay nakapunta ng Pilipinas si Ivana Chubbuck noong 2014 dahil personal siyang kinuha ng ABS-CBN Star Magic para sa acting workshops na ginanap sa Dolphy Theater para sa mga artista nila tulad nina Jake Cuenca, Sam Milby, Jericho Rosales, Ynna Asistio, Dimples Romana, Aaron Villaflor, Carla Martinez, Arjo Atayde, Xian Lim, Christian Bables, Piolo Pascual at marami pang iba.
Samantala, sa mahigit na limang taong pamumuno ni Chair Liza ng FDCP ay natanong kung ano ang pinakamatinding pinagdaanan niya bilang hepe.
“‘Yung (IATF) protocol. Ha-hahaha! Kasi ang goal ko noon, nandoon ako sa parang (ito ‘yung dapat gawin). Pumasok ‘yung pagiging artista ko, pumasok ‘yung personal experience ko na nagso-shooting ng tatlong araw na walang minimum standards, so, inisip ko na ‘paano ‘yun sa gitna ng pandemya?’
“Kawawa naman ‘yung mga workers? So, it was an intentional decision talaga para makapag set ng ganu’n guidelines para masiguro na pag nabuksan natin ‘yung production shoot protektado ang lahat pero sa kabila no’n ay nanggaling tayo sa industriyang self-regulated.
“May kanya-kanyang sistema, so, biglang papasok ka tapos sasabihin mo na ‘ito ang dapat na sundin’pag ganu’n mas magkaroon ka ng pasensya para ipaintindi mo sa lahat at siguro doon nagkulang kasi pandemic.
“Maybe kung I spend time to talk more to discuss more with the industry baka mas naintindihan nila ‘yung intention kasi maganda naman talaga ‘yung intention ko,” paliwanag ni Ms. Dino.
Anyway, abala ang hepe ng FDCP sa gaganaping 6th Film Ambassadors’ Night na gaganapin sa Metropolitan Theater sa Feb. 27.
Related Chika:
Liza Dino sa viral ‘dibdib’ photo ni Jake Zyrus: Kung ‘yun ang magpapasaya sa kanya, suportahan natin siya
Sharon niregaluhan ng bagong ‘baby’ si Ice Seguerra, nakatanggap din ng puppy mula sa netizen