Mariel Padilla nawindang sa school project ng anak: Nu’ng bata ako polvoron ang ginagawa

Mariel Padilla nawindang sa school project ng anak: Nu'ng bata ako polvoron ang ginagawa

NALOKA ang TV host at asawa ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez-Padilla sa mga nagiging school activities ng kanyang anak.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan ng kanyang anak habang abala ito sa isang project para sa kanyang subject sa school.

“My little baker @mariaisabelladepadilla. She made sugar cookies,” paglalahad ni Mariel.

Aniya pa, “Ang galing na ng mga bata ngayon. Nung bata ako sa Home Economics polvoron ang ginagawa… hehe.”

May mga nag-comment rin na tila nagbalik-tanaw kung ano ang mga ginawa nila para sa home economics noong kapanahunan nila.


“Nagpalitaw din ata tayo,” sey ng isang IG user na mukhang kaibigan ni Mariel.

Sa bagay, noon rin ay madalas pang-high school na ang mga activities gaya ng pagbe-bake pero marahil ay dala na rin ng pandemya ay sa murang edad tinuturuan na ang mga bata ng mga skills na makakatulong sa kanila sa kanilang paglaki.

Samantala, aminado naman ang mister ni Mariel na miss na miss na niya ang kanyang mga anak.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi nito ang larawan nina Isabella na kuha sa kanilang tahanan habang nagmemeryenda.

“I miss you mga anak ko,” saad ni Robin.

Nagreply naman si Mariel sa post ng asawa at sinabing “Aaawwwwww (heart emoji) We miss you too.”

Sa ngayon kasi ay abala ang aktor sa pangangampanya para sa darating na May 2022 national elections.

Isa si Robin sa mga tumatakbo at naghahangad na manalo at makasungkit ng pwesto sa senado.

Nitong Sabado lamang ay nasa Caloocan ang aktor para mangampanya.

Naging usap-usapan rin ang aktor matapos kontrahin ng presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naunang anunsyo ng kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte na kabilang ang so Robin sa kanilang senatorial slate.

Nauna na kasing sabihin ni Mayor Sara na bahagi ang aktor ng kanilang ineendorsong mga senador bagay na pinabulaanan ni Bongbong.

Related Chika:
Mariel ‘binanatan’ nang bonggang-bongga si Robin matapos magpa-interview kay Ogie Diaz
Kita ni Mariel sa ‘Cooking Ina’ meat business ginagastos sa kampanya ni Robin

Read more...