Liza Dino sa viral ‘dibdib’ photo ni Jake Zyrus: Kung ‘yun ang magpapasaya sa kanya, suportahan natin siya

Jake Zyrus, Liza Dino at Ice Seguerra

SA ginanap na 6th Film Ambassadors’ Night 2022 grand mediacon ay nakatsikahan ng ilang entertainment press si Film Development Council of the Philippinez Chairperson Liza Dino tungkol sa viral photo ni Jake Zyrus na naka-topless.

Bilang suportado si Chair Liza ng LGBTQIA+ dahil sa relasyon nila ni Ice Seguerra ay hiningan siya ng reaksyon sa paglalantad na ni Jake ng kanyang dibdib sa publiko.

“I admire him and I laud him for celebrating his identity kasi personal kong na-experience sa asawa ko (Ice) ‘yung ano niya, ‘yung struggle pa rin niya to come to terms with who he is.

“Kasi kahit ngayon, tanggap nating lahat na transman si Ice, ang tawag natin sa kanya ay Ice, nirerespeto natin ‘yung pronoun niya, pero siya, ‘yung gumising siya sa umaga, ‘yung physicality niya pa rin as a man, hindi pa rin niya nakikita.

“So, nakikita ko ‘yung struggle na ‘yun kay Ice. So, for Jake to achieve that and be comfortable and happy kung ‘yun ang magpapasaya sa kanya, dapat suportahan natin siya especially nandito tayo sa industry na sa bansa natin (ay) hindi pa rin ganu’n kaluwag at ka-open ang pagtingin sa mga transmen,” aniya.


Samantala, co-terminus si chair Liza ng Presidente ng Pilipinas at handa na rin naman daw siyang bumaba sa puwesto bilang CEO ng FDCP at ang tanging hiling lang niya sana ‘yung papalit sa kanya ay ipagpatuloy ang mga nasimulan nilang project para sa movie industry.

“We’re always hoping for that. On our end we’ll making sure na lahat po ng nagawa nating programa ay nai-institutionalized po natin.  The FDCP is not just me, it’s composed of a council, I may be the head, I maybe the CEO, the Chairperson pero binubuo po ito ng council members na naga-aprub, nagpa-prioritize ng mga programa, so, lahat ng programs ng FDCP is approved as a program through a resolution.

“So, only a board resolution para tanggalin po ‘yung programa, makakapagpaalis po no’n, so, hindi man ako ‘yung maging head ng FDCP, huwag pong tanggalin ‘yung mga programang naumpisahan na kundi palabungin, palakihin, i-expand pa po para mas lalo pa po siyang maging relevance,” paliwanag ni Chair Liza.

Siniguro pa ni chair Liza na bago siya mawala sa puwesto ay may Pista ng Pelikulang Pilipinong magaganap ngayong Setyembre 2022 at in the works na raw ito.

Anyway, abala ang hepe ng FDCP sa gaganaping 6th Film Ambassadors’ Night na gaganapin sa Metropolitan Theater sa Feb. 27 at ang mga tatanggap ng awards for Camera Obscura Artistic Excellence Awards and Guide Industry award ay ang mga sumusunod.

Si John Arcilla ang makatatanggap ng Camera Obscura Artistic Excellence award para sa pelikulang “On The Job:  The Missing 8”; ang “Whether the Weather is Fine (Kung Maupay Man it Panahon)” ni direk Carlo Francisco Manatad; at ang “Gensan Punch” ni Brillante Mendoza.

This award is the highest tribute to be given by the FDCP to film workers o projects who have demonstrated exceptional excellence and reaped success abroad in 2021.

Tatanggap ng Industry Guide awards ang mga kilalang aktres tulad nina Rosa Rosal (Lights of Industry) at dating film producer na si Jesse Ejercito (Pillar of Industry).

Sa Film Ambassadors’ Night 2022 ay kasamang pararangalan ang 77 pelikula, filmmakers at mga artistang na-recognize sa iba’t ibang international film festivals noong 2021.

https://bandera.inquirer.net/285427/liza-dino-gustong-gumawa-ng-pelikula-tungkol-sa-trans-family-ano-ba-yung-pinagdaraanan-namin

https://bandera.inquirer.net/306264/cristy-fermin-inatake-ng-matinding-kalungkutan-nang-makita-ang-hubad-na-katawan-ni-jake-zyrus

https://bandera.inquirer.net/306161/pagpapakita-ng-katawan-ni-jake-zyrus-binanatan-naku-po-parang-ako-na-nahihiya-sa-ginagawa-mo

Read more...