Alex Gonzaga at Toni Gonzaga
KUNG kay Alex Gonzaga raw nangyari ang naranasang pamba-bash at pangnenega sa ate niyang si Toni Gonzaga, baka raw hindi niya ito kayanin.
Ayon sa TV host-actress at vlogger, kay Toni ibinigay ng Diyos ang nasabing pagsubok dahil kering-keri raw itong harapin at labanan ng kanyang kapatid.
Ang tinutukoy ni Alex ay ang matinding pambabatikos kay Toni ng mga netizens matapos mag-host sa proclamation rally nina Bongbong Marcos at Sara Duterte na tumatakbong presidente at bise presidente sa May, 2022 elections.
Mas tumindi pa ang galit ng netizens nang buong-ningning na ipinakilala ni Toni si Rodante Marcoleta na isa sa mga kongresista noon na nagtulak sa pagpapasara sa ABS-CBN.
“Knowing my sister, I know she’s a strong person. And I know hindi siya dadalhin ni Lord doon nang hindi siya ready.
“So, my sister was bashed even before nu’ng bata pa. She was bullied pre-school pa lang as in hanggang sa pag-aartista niya,” ang pahayag ni Alex nang mag-guest sa vlog ni Karen Davila.
Patuloy na depensa ni Alex sa kanyang ate, “During that time, I think she was so equipped and so ready for that and I think that the Lord will not give that to me because I think my sister is stronger, more independent.”
“Matapang talaga ang ate ko as a person. Kaya nga sabi ko, siguro talagang ano siya, she was really born for this kasi kaya niya. Ako, baka ‘di ko kaya pero ang ate ko kayang-kaya niya talaga,” hirit pa ni Alex.
Ayon pa sa TV host, naging bahagi na ng buhay ng mga Filipino ang pamba-bash at ito’y patuloy na mangyayari kahit walang eleksyon.
“Dito sa mundo na ‘to you’ll always have bashing, you’ll always have negative thoughts na kapag nagkakaroon ka na ng spiraling negativity na parang I don’t deserve this parang bigla mong mare-realize na, hindi si Jesus nagsasalita nang ganoon, kaaway ‘to, I have to stop.
“So, mayroon akong awareness sa mga bagay na alam mo ‘yung truth, this is not how my Savior sees me so hindi totoo ‘to,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/305252/toni-exit-na-sa-pbb-wala-raw-formal-resignation-bianca-papalit-bilang-main-host
https://bandera.inquirer.net/303159/alex-may-b-day-pasabog-only-time-i-can-post-this-nang-di-magagalit-si-mister-pagbigyan-na
https://bandera.inquirer.net/305289/toni-suportado-nina-mariel-at-bianca-sa-gitna-ng-kanegahan-sa-politika-welcome-to-the-outside-world