Carlo motor na lang daw ang laging kasama, hirit ng netizen: Kasi nga hiniwalayan ka na ni Trina!

Trina Candaza at Carlo Aquino

SA isang beach sa La Union pala ang shooting ng romantic series nina Carlo Aquino at Maris Racal na may titulong “How to Move On in 30 Days” sa direksyon  nina Benedict Mique at Dick Lindayag.

Base sa post ng aktor sa kanyang Instagram stories, sa tabing dagat ang location nila kung saan makikitang may hawak siyang surfing board.

Sumunod na post ni Carlo ay five  hours ago ngayong araw habang sinisulat namin ito. Makikita naman dito ang aktor habang pasakay siya sa kanyang vintage motorcycle.

Ang caption ng aktor sa kanyang post ay, “With you. Summers with you, sunrise and sunsets with you, road trips with you, sip pin coffees with you.”

Binati ni @coco.marcus ang aktor at singer, “Wow ninong! beautiful motorcycle.”

Payo ni @aneirigot kay Carlo, “Only with miss Trina and Mithi lang po please (praying hands emoji).”


Ang motor na lang daw ang laging kasama ngayon ni Carlo sabi ni @estorcoaileen, “Kasi hiniwalayan ka kaya yan na lang.”

Biro naman ni @sasha_102030, “Sino ba yang with you na yan baka hindi yung motor ha.”

Hiniling naman ni @jhen_abalos09 kay Carlo na mag-post ng larawan nilang dalawa ni Maris, “Picture with maris pls.”

Anyway, kasama rin sa upcoming romantic series nina Maris at Carlo sina Albie Casiño, Jai Agpangan, Sachzna Laparan, Kyo Quijano, Sherry Lara, Poppert Bernadas, Hanie Harrar, Elyson De Dios, James Bello at John Lapus.

Ang “How to Move On in 30 Days” ay eksklusibong mapapanood sa YouTube bilang bagong partner ng ABS-CBN.

https://bandera.inquirer.net/304240/carlo-aquino-trina-candaza-hiwalay-na-nga-ba
https://bandera.inquirer.net/293482/actor-vlogger-goodbye-muna-sa-youtube-im-scared-to-lose-myself
https://bandera.inquirer.net/294179/nadine-trending-dahil-sa-biniling-motor-ig-highlights-kasama-si-james-deleted-na

Read more...