‘Putongamako’ caption ni Frankie sa socmed post ni Kiko inalmahan ng netizens

Frankie Pangilinan

JOKE, JOKE, JOKE! Ito ang tila nais ipahiwatig ng anak ni Megastar Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan sa kanyang pahayag tungkol sa pangnenega sa kanya ng ilang netizens.

Marami kasing na-turn off at hindi naka-gets sa ni-repost niyang tweet ng amang senador at vice presidential candidate na si Kiko Pangilinan kahapon, Feb. 20.

Ibinahagi ng mister ni Shawie sa social media ang litrato ng puto mula sa Calasiao, Pangasinan na regalo raw ng kanilang tagasuporta ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.

Ani Kiko sa kanyang tweet, “Maraming salamat sa Calasiao Youth for Leni-Kiko sa kilalang kilala na puto Calasiao na kulay pink at green! Naimas! Balbaleg ya salamat. Ito ang tunay na ‘puto bomber’ (laughing emoji).”


Ni-repost nga ito ni Frankie sa kanyang Twitter account na may caption na, “putongama ko.” Na ang ibig sabihin nga ay “puto ng ama ko.”

Maraming naaliw at natawa sa joke ni Frankie pero marami rin ang nainis at na-offend dahil nga parang mura raw ang dating ng sinabi ng anak nina Kiko at Mega. 

Sinagot naman agad ng dalaga ang mga netizens at sinabi nga na kung hindi raw ma-gets o maintindihan mg mga ito ang kanyang post, dedmahin na lamang siya.

“If ur bothered by my humor pls just ignore me campaigning is extremely painful and i wish i could explain the kind of toll it takes on mental health,,, coping mechanism ko lang ‘to char,” sey ni Frankie.

Dugtong pa ng singer, “Honestly if ur bothered by anything i tweet just scroll on pls bc twt rly is just my depression dump.”

Alam din daw ni Frankie na hindi lahat ng tao ay magla-like at aayon sa kanyang mga post, “And i understand it’s not for everyone das cool.

“Pls just remember it’s also not an accurate representation of my whole self (heart emoji) ty for being here i love u deeply and i hope ur having a great Sunday,” diin pa niya.


https://bandera.inquirer.net/300709/sharon-emosyonal-sa-b-day-message-kay-frankie-i-feel-so-privileged-to-have-been-chosen-by-god-to-be-your-mother

https://bandera.inquirer.net/288164/frankie-nilait-lait-ng-basher-nakakapagod-na-po-minsan-pa-nga-nakakasira-ng-araw-o-buong-linggo

https://bandera.inquirer.net/294601/sharon-inakusahang-mas-paborito-si-frankie-kesa-kay-kc-may-pamatay-na-resbak-sa-bashers

Read more...