KRIS dakilang ‘ALALAY’ ni BIMBY, mas mahigpit pa sa MOMMY ni SARAH G.


Tuluy-tuloy na ang shooting ng bunsong anak ng Queen of All Media Kris Aquino na si Bimby para sa “My Little Bosings” with Vic Sotto and Ryzza Mae Dizon. Kaya naman si Kris aligaga rin sa pagsama at pagbabantay kay Bimby sa set.

May bago nga raw title ngayon ang Queen of Talk as sobra-sobrang stage mother. Bawat minuto kasi ay nakatutok siya kay Bimby sa set. Acting coach, tagapunas ng pawis ni Bimby at taga-encourage sa bagets sa bawat eksena.

Mismong si Kris na nga ang nagsabi na talbog pa niya ngayon ang Mommy Divine ni Sarah Geronimo sa pagiging over protective.

Nakunan ng The Buzz last Sunday ang mga eksklusibong tagpo ng mag-ina sa set ng movie at doon nagpa-interview rin si Kris. Masaya raw si Bimby na siya naman ngayon ang nakasalang sa kamera at hindi ang kanyang Mama Kris.

“Parang alam niya kung ano ang trabaho talaga. Alam niya na focus dapat. Nakikinig naman kaya nakaka-proud. Tapos sabi ko bawal mahiya ha.

Ang gusto ko talaga, lumalawak ang pagtingin niya sa kung ano meron sa mundo. And happy ako na ang mga una niyang  nakatrabaho super down-to-earth.

Special participation lang talaga ako kasi kung nandu’n ako sa buong movie walang kwento. Kasi yung kwento has to be na nawala ako, that’s why napunta siya kay Vic, inalagaan siya at nakilala niya ang pamilya nito,” proud na sabi ni Kris.

( Photo credit to Google )

Read more...