Kapuso reporter Mav Gonzales 8 taon nang walang dyowa: Mabuti nang wala, kesa mali…

Mav Gonzales

MAS nakilala pa ng mga Kapuso viewers ang GMA News reporter na si Mav Gonzales matapos mag-guest sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga.”

Bukod sa mga news programs ng GMA 7 ay regular ding napapanood si Mav bilang host sa Kapuso show na “On Record”. 

Sa nasabing episode ng “Bawal Judgmental”, naibahagi ng dalaga sa mga Dabarkads kung anu-ano ang mga qualities na hinahanap niya sa isang lalaki.

Kuwento ni Mav, halos walong taon na rin siyang walang boyfriend pero wala naman daw siyang nararamdamang pressure kahit matagal na panahon na siyang single.

Ito rin ang ipinayo niya sa lahat ng mga miyembro ng #TeamSingle at maghintay lang sa tamang panahon dahil darating at darating din ang taong inilaan ng tadhana para sa inyo.

“Huwag kayo magpapa-pressure na ‘yun nga lagi ko sinasabi, mabuti nang wala, kesa mali,” sey ng news reporter na umaming 2014 pa nang huli siya nagkadyowa at tumagal din ng isang taon ang kanilang relasyon.

“Kagaya nu’ng sinabi ni Sir. Mon kanina ‘yung pagpapakasal, hindi mo na mababawi ‘yun,” aniya pa.

Tinanong din ng mga “Eat Bulaga” hosts kung game ba si Mav na magka-boyfriend na reporter din o mula sa industriyang kinabibilangan niya.

Tugon ng dalaga, “Hindi ko sure, kasi minsan iniisip ko baka same industry para naiintindihan niya schedule ko, pero baka hindi kami magkita sa bahay.

“So, siguro ang maganda ‘yung isa, mas free ‘yung schedule para mas madali makapag-adjust kapag may isang kailangan magtrabaho sa amin,” dagdag pa ni Mav.


Pero ano nga ba ang mga qualities na hinahanap niya sa isang lalaki? Sagot ni Mav, plus “pogi points” daw kung meron itong sense of humor.

“Wala akong type physically and siguro sa personality, gusto ko siyempre very important ‘yung consistent at saka ako talaga ang gusto ko funny.

“Kasi funny is forever, nawawala ‘yung good looks, ‘yung abs nawawala yan, pero ‘yung nakakatawa hanggang tumanda ka nandiyan ‘yun, kaya important,” chika ni Mav.

In fairness, may mga nanliligaw at nagpaparamdam naman daw sa kanya, “Merong lumalapit, pero kasi ngayon politics kasi ang kino-cover ko,so karamihan dun may asawa. So, huwag tayo doon.”

https://bandera.inquirer.net/284759/tv-patrol-reporter-tinanggap-ang-hamon-para-sa-2021-miss-world-ph

https://bandera.inquirer.net/304102/bakit-bawal-nang-maglabas-si-karen-davila-ng-mga-presidential-interview-sa-kanyang-vlog
https://bandera.inquirer.net/290239/cassy-pinayagan-na-nina-zoren-at-carmina-na-magpaligaw-pero-bawal-pa-ring-mag-boyfriend

Read more...