Jake Cuenca nagluluksa sa pagpanaw ng lola: It’s still so hard to fathom that you’re not with us anymore

Jake Cuenca

NAGLULUKSA ngayon ang Kapamilya hunk actor na si Jake Cuenca dahil sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na lola.

Idinaan ng binata sa social media ang nararamdamang matinding pangungulila ngayong hindi na nila kapiling ang lola niya.

Sa kanyang Instagram post, inamin ni Jake na napakahirap para sa kanilang pamilya ang nakaraang tatlong linggo habang hinaharap ang katotohanan na wala na ang kanilang Lola Elvie at hinding-hindi na nila ito makakasama kahit kailan.

“The past 3 weeks have been a very difficult time for my family. It’s was very hard to set this aside for 3 weeks because I was on location shooting but today it finally sank in,” ang emosyonal na mensahe ni Jake.


Ngunit sa kabila ng nararamdamang kalungkutan, sa isang banda ay feeling “relieved” na rin siya dahil alam niyang nasa tahimik na lugar na si Lola Elvie.

“My beloved Lola Elvie is not with us anymore although I know you’re in a better place now and I know you are happy in heaven with Tio Manoling,” dagdag pang pahayag ni Jake.

Dugtong pa ng boyfriend ni Kylie Versoza, “It’s still so hard to fathom that you’re not with us anymore. I love you Lola Elvie we miss you. Rest In Peace. I will hold on to every memory we have together. I miss you already.”

At sa gitna ng kanyang pagluluksa, nagbahagi rin ng makabuluhang mensahe ang aktor para sa lahat ng mga taong hanggang ngayon ay kasama pa rin ang mga mahal sa buhay. 

Aniya, mas mabuting iparamdam na ngayon sa mga ito ang pagmamahal habang buhay pa at huwag nang hintayin pa ang kanilang pamamaalam sa mundo.

“If you have a chance to tell your loved ones that you love them take it, say it, and mean it never be afraid to express love because we never know what tomorrow has in store,” pahayag ng award-winning actor.

Bumuhos naman ang mensahe ng pakikiramay para kay Jake at sa kanyang pamilya kabilang na riyan ang mga kaibigan at katrabaho niya sa showbiz tulad nina Maxene Magalona, Vina Morales, Wendell Ramos, Rayver Cruz, Janno Gibbs at John Prats.

https://bandera.inquirer.net/298480/jake-cuenca-pumayag-nang-gumanap-na-tatay-sa-serye-kinarir-ang-pagiging-politiko

https://bandera.inquirer.net/295319/jake-sa-mga-umarestong-pulis-hindi-ako-naglaban-hindi-ko-sila-pinahirapan

https://bandera.inquirer.net/296316/kylie-versoza-na-appreciate-si-marco-worried-nang-hinabol-ng-mga-pulis-ang-dyowa

Read more...