Cristy Fermin next week idedemanda si Dawn Chang: Tuloy na ang laban

Dawn Chang at Cristy Fermin

WALANG binanggit kung anong araw magpa-file ng kasong libelo si Nanay Cristy Fermin at ang legal counsel niyang si Atty. Ferdinand Topacio laban sa abogado ni Dawn Chang na si Atty. Rafael Vincente Calinisan.

Tinanong namin ang batikang manunulat at radio-online host ng “Cristy Ferminute” na napapakinggan sa Radyo5 92.3 News FM kung kailan sila magsasampa ng kaso dahil natapos na ang taning na ibinigay nila sa abogado ng ex-“Pinoy Big Brother” housemate at social media influencer noong Feb.16 para humingi ng public apology na hindi nangyari.

Sagot ni ‘Nay Cristy sa amin, “Anak, next week na. Tuloy na ang laban.”

Matatandaang pinadalhan ng demand letter si ‘Nay Cristy ni Atty. Calinisan na mag-public apology sa kanyang kliyente na si Dawn Chang dahil sa komento niyang, “Dancer iyan na nasa ano dati, sa lunchtime show nila. Itong si Dawn Chang, kaya nagkakaroon ng mga trabaho iyan, alam na alam sa ABS…

“Ako, Dawn Chang, gusto mong ibulgar ko kung ba’t ka nagkakaroon ng trabaho? 

“E, pa-bash-bash ka pa, ikaw ang dapat i-bash, dahil wala kang mararating kung di ka nakikipaglandian sa mga boss, naku, ha. Dawn Chang, tumigil ka nga. Dawn Chang me. Charot!” pahayag ng veteran columnist.

Bahagi ng demand letter ng abogado ni Dawn kay ‘Nay Cristy, “Our client will never be cowed by cowards like you who resort to character assassination just to perpetuate a wrong.

“Pangalanan mo ‘yung mga ‘boss ng ABS-CBN’ na ‘nakipaglandian’ sa aming kliyente. Because of your malicious imputations, we assure you, we will send you to jail.

“Failure to do so will constrain us to pursue CRIMINAL, CIVIL, and even ADMINISTRATIVE actions against you.”


Wala pang official statement si Dawn Chang kung itutuloy ba niya ang pagsasampa ng kaso laban kay Nay Cristy. Bukas ang BANDERA para sa magiging pahayag ng Kapamilya dancer hinggil sa isyung ito.

Nag-ugat ang pagpapalitan ng maaanghang na salita sa pagitan ng dalawang panig nang punahin ni Nay Cristy si Dawn Chang patungkol sa pagho-host ni Toni Gonzaga sa proclamation rally nina Bongbong Marcos at Sara Duterte na tumatakbong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa sa May, 2022 elections.

https://bandera.inquirer.net/305915/facebook-account-ni-dawn-chang-na-hack-dinenay-na-binura-ang-toni-gonzaga-post

https://bandera.inquirer.net/305873/dawn-chang-inokray-ng-basher-sikat-ka-ba-may-fan-base-ka-ba

https://bandera.inquirer.net/305933/chie-filomeno-may-patama-nga-ba-kay-dawn-chang
                                                  

Read more...