Payo nina Maris at Elisse sa kabataan: Wag papayag na kontrolin o diktahan ka ng dyowa mo

Maris Racal at Elisse Joson

“HUWAG na huwag kayong papayag na maging hadlang sa pag-abot sa inyong pangarap ang mga dyowa n’yo!”

Yan ang payo ng mga Kapamilya stars na sina Maris Racal at Elisse Joson sa lahat ng mga kababaihan na may mga hugot patungkol sa kanilang mga demanding at possessive na  boyfriend.

Isa ito sa mga natutunan nina Maris at Elisse pagdating sa pakikipagrelasyon, lalo na noong medyo bata-bata pa sila. Anila, hindi dapat maging hadlang ang lovelife o ang pagkakaroon ng dyowa sa pagtupad sa mga pangarap.

“Your boyfriends right now, hindi dapat sila maghi-hinder sa ’yo sa growth mo because you’re here, your early teenager (years), early 20s,” pahayag ni Maris sa virtual mediacon ng iWantTFC original series na “The Goodbye Girl.”

“Sobrang-sobrang importante ‘yan sa growth mo. So you should just focus on yourself,” paalala pa ng girlfriend ni Rico Blanco.

Dagdag pa ni Maris, hindi tamang kontrolin o diktahan ng isang tao ang kanyang karelasyon sa kung anuman ang nais nilang abutin para sa kanilang buhay.

“And kung may someone man na hahawakan ka o ikukulong ka para hindi mo gawin ‘yung gusto mo, let him go. That’s the wrong person for you,” sabi pa ni Maris.

Para naman kay Elisse, kailangang nagtutulungan ang mga magdyowa sa lahat ng pagkakataon at magkasabay na tuparin ang kani-kanilang mga ultimate dreams.

“Whoever you choose to be around with or whoever you choose to be your partner, dapat both of you, you lift each other up. 

“Hindi dapat ‘yung taong ‘yun hihilain ka pababa kasi walang mangyayari sa inyo kapag ganoon,” sabi pa ng partner ni McCoy de Leon.


Nauna rito, naikuwento rin ng aktres ang tungkol sa mga bagong discovery niya sa tatay ng kanyang anak na si Baby Felize.

“I think hindi natatapos doon sa relationship. Parang mayroon ka palaging malalamang bago sa bawat isa. 

“For example na lang, I will share something I learned lately. Si Mccoy, he may seem like parang very mysterious lagi, may wall, he’s okay, happy but lagi niya ring hinahanap ang comfort. 

“He doesn’t ask for it but you will feel it na, ay kailangan din pala niya ng konting kamusta, comfort hug,’ yung mga simpleng bagay na ganu’n,” lahad ng celebrity mommy.

https://bandera.inquirer.net/296586/mccoy-elisse-pinag-usapan-kung-bakit-sila-naghiwalay-noon

https://bandera.inquirer.net/280047/si-maris-racal-nga-ba-ang-nagparamdam-kay-rico-blanco

https://bandera.inquirer.net/304968/elisse-joson-ayaw-ng-bonggang-wedding-ang-dream-ko-lang-talaga-sa-dagat-at-sa-church

Read more...