Jessy Mendiola at Luis Manzano
IN fairness, bentang-benta sa mga netizens ang mga love advice ng TV host-actor na si Luis Manzano para sa mga magdyowa na dumaraan sa mga pagsubok at challenges.
Sinagot ni Luis ang ilan sa mga hugot questions pagdating sa pakikipagrelasyon, tulad ng “okay lang ba kung ang babae ang magbayad sa first date?”, “dapat bang alam ng partner mo ang iyong password sa social media?” at “itatago o ibabalik mo ba ang mga mamahaling regalo ng ex mo?”
Ngayong love month, nagpaka-“love guru” si Luis sa isang video kung saan sumabak nga siya sa “red flag or green flag” game.
Unang eksena, nagpupumilit ang girl na siya ang magbayad sa bill ng kanilang first date — para kay Luis isa itong green flag.
“It shows initiative. It shows sharing something together, not just monetary, not just the dinner. When a woman wants to pay the bill, parang she’s saying this time we’re together, we share this moment,” pahayag ng TV host.
Aniya, kapag nagde-date sila ng kanyang wifey na si Jessy Mendiola, salitan sila sa pagbabayad.
“It goes past the monetary aspects, ‘yung actual act of paying. The way I see it, you’re sharing a responsibility together,” paliwanag ni Luis.
Next scene, ang sapilitang paglalagay ng label makalipas ang isang buwang pagde-date — red flag ito para kay Luis. May suggestion ang TV host para sa isyung ito.
“The keyword is insisting. If you simply ask, it’s okay. In every relationship, it’s about the journey.
“It’s hard to enjoy the journey kung every month pinipilit mong may label. The other person might just be simply be taking his time. That might put undue pressure,” dugtong niya.
Ikatlong eksena, ang pagpapakilala ng dyowa sa mga magulang matapos ang second date – green flag ang sagot ng anak ng Star fir All Seasons na si Vilma Santos.
Kung hindi agree rito ang marami, naniniwala naman si Luis na isa ito sa paraan para mas makilala pa ang dyowa mo at ang mga taong nakapaligid sa kanya.
“Kasi, ‘di ba meron tayong kasabihan na, ‘Kung ano ‘yung puno, ‘yun ang bunga.’ I wouldn’t mind seeing their interaction lalo na if I get to see the parents and I see a loving family, how she treats her parents. It may add pa sa ganda points,” sey ni Luis.
Red flag naman ang sagot ni Luis sa eksena kung saan tatanungin ang iyong Facebook password, “Jessy knows my phone’s password but she never checks. I know her phone’s password, I never check.”
“Red flag with reservation” naman ang reply ng aktor kapag nalaman mong nanloko o nag-cheat siya sa previous relationship. Pero hindi raw ito sapat na dahilan para ma-turn off ka nang bonggang-bongga.
“Things happen for whatever reason. I’m not condoning it but the thing is, I saw a meme that says everyone has a history.
“If you focus on that, nothing will happen. Focus on the present. Kumbaga, it will make you more aware, more cautious but hindi siya automatic judgment,” ani Luis.
Agad-agad na red flag ang sagot ni Luis sa eksena kung saan mas gustong tulugan ang problema kesa ayusin ito bago matulog.
“It was a learning experience. I was the type na tutulugan ko muna ang problem not because I don’t care but it’s because I want everyone to cool down and talk. Ganoon ako before,” sagot ni Luis.
Dugtong niya, “Cool down just for a bit. Give yourself maybe an hour. Watch TV. Pumunta sa isang kwarto. That’s okay but at the end of the day, bago matulog or right after dinner, talk about what the problem was.”
“You’ve never fought about anything” ay red flag din para kay Luis, “Maybe you’re not invested a lot in the relationship when you’re saying you’ve never had an argument.
“Your relationship, no matter how fairytale like it may seem, no matter how kilig kayo, you will fight. You will have arguments. It is impossible that there’s not going to be arguments.
“Being individuals, we will always disagree about something. The question is how intense will you disagree on certain things,” paliwanag ng TV host.
At sa mga taong itinatago pa rin ang mga regalo ng kanilang ex, isang maliwanag na green flag ito kay Luis, “I’m not gonna ask you if you have a shoebox of pictures or tokens. I’m never gonna ask that. Kung anuman ‘yan, enjoy mo, itago mo. Gagawa ako ng mas malaking shoebox para sa atin.”
https://bandera.inquirer.net/283294/luis-sa-bashers-babasahin-ko-ang-comments-nyo-na-niyuyurakan-ang-pagkatao-ko
https://bandera.inquirer.net/294928/jessy-umaming-may-attitude-nakatanggap-rin-ng-indecent-proposal
https://bandera.inquirer.net/289681/luis-jessy-alam-na-ang-magiging-itsura-ng-anak-may-naisip-na-ring-pangalan-para-sa-baby