Megan Young at Mikael Daez
PWEDE nang ihilera ang Kapuso actor na si Mikael Daez sa mga pambatong male TV host ng GMA 7, tulad nina Dingdong Dantes, Drew Arellano at Chris Tiu.
Regular na napapanood ang Kapuso Primetime King na si Dingdong sa “Amazing Earth” habang patuloy pa rin ang dating basketball star na si Chris sa pagho-host ng I-Bilib. Si Drew naman ay napapanood sa “AHA” at “Byahe ni Drew.”
At ngayong araw nga, eeksena na rin si Mikael bilang host ng bagong infotainment show “The Best Ka!” kung saan makakasama niya ang asawang si Megan Young as his first co-host sa pilot episode.
Mapapanood dito ang mga nakamamangha at nakakabilib na Guinness World Records from all over the world.
“It’s not your usual, ito kakaiba parang kahit yung konsepto pati mga features na ilalabas namin magugulat ‘yung mga Kapusong manonood,” chika ni Mikael sa online presscon ng “The Best Ka” nitong nagdaang Martes, Feb.15.
Maraming mapapanood na “out of this world” world records sa bagong show na ito ng GMA at sabi nga ni Mikael, sa unang episode pa lang nila ay siguradong mapapa-wow agad ang viewers lalo na sa kanilang location.
“Oh, my god! What a place, what a beautiful place to shoot in so mapapansin niyo for sure ang location pero for the succeeding episodes let’s see, I have expressed my willingness to travel, to go out of the box.
“Siyempre alam natin may mga external factors na hindi natin hawak so I guess medyo go with the flow tayo for now,” aniya pa.
At tungkol naman sa unang pagkakataon na magiging co-host niya si Megan sa isang TV show, “I’m super duper excited. I guess it made sense also kasi nu’ng first taping namin magkasama na kami sa bahay health and safety protocols was a lot easier dahil one household lang kami.
“At the same time in terms of the show, sobrang enjoy and ‘yun ‘yung mararamdaman ng mga Kapuso natin na manonood ng first episode.
“Sobrang enjoy namin because we haven’t done this in a really long time. So lahat ng energy namin naipon over the past one and a half to two years dito namin nailabas,” kuwento ng aktor.
“This is the definitely the first one seeing the both of us hosting together. Ibang Bonez and Fofo ang makikita ng mga Kapuso natin,” dagdag pa niya.
Super thankful naman si Mikael sa tiwala at chance na ibinigay sa kanya ng Kapuso network, “Every project in GMA is a blessing kasi pinagkakatiwala ng GMA sa akin kung sino yung mga kasama ko, at yung buong crew and director. ‘Sa inyo ito, make this your own, and make us proud.’ ‘Yun ang nasa isip ko, make the most out of this, give it your best and enjoy.”
Pag-amin pa niya, “May pressure naman lagi pero ang mas importante ay maibigay mo lahat at mag-enjoy ka, yung dalawang bagay na ‘yon.
“Ibigay mo lahat, prepare well. If you have a script, read your script, if you have objectives, understand the objectives pero at the same time, i-enjoy mo ‘pag nandu’n ka na. If you have those two things, the rest will play out,” sabi pa ng mister ni Megan.
Tutukan ngayong araw, Linggo, 3:50 p.m. ang “The Best Ka!” sa GMA.
https://bandera.inquirer.net/288239/megan-mikael-umamin-palagi-naming-nakakalimutan-ang-birthday-at-anniversary-namin
https://bandera.inquirer.net/291739/mikael-gusto-uling-makatrabaho-sina-bitoy-paolo-at-antonio-pero-sana-sa-drama-para-maiba
https://bandera.inquirer.net/305895/mikael-daez-pinayuhan-ang-mga-magdyowang-hindi-nakakapag-date-tuwing-v-day