Kyline Alcantara at Mavy Legaspi
#SHOOKT ang Kapuso actress-singer na si Kyline Alcantara sa ginawa ng kanyang rumored boyfriend na si Mavy Legaspi noong Valentine’s Day.
Naikuwento ni Kyline ang pasorpresa ni Mavy sa kanya para sa Araw ng mga Puso sa ginanap na online mediacon ng “Sparkle Sweethearts” ng GMA kung saan kabilang ang dalawang youngstars.
Ayon sa dalaga, talagang nag-effort si Mavy sa pagpunta sa Tagaytay kung saan siya nagbakasyon kasama ang pamilya.
“Na-surprise po talaga ako kasi mahirap po talaga akong i-surprise. Prior to that day, lumabas si Mav with his friends tapos, nagse-send siya ng mga pictures sa akin na parang, ‘Oh, we’re here sa Nuvali. We’re here papuntang La Union’ blah, blah, blah.
“So ako ‘yung parang, ‘Ah, okay.’ Hindi big deal sa akin ‘yung hindi kami magba-Valentine’s talaga this year, and even though it’s our first Valentine’s together, hindi big deal sa akin kasi siyempre, ano naman magagawa ko? It’s a long shot talaga.
“Tapos siguro mga 4 a.m. na, sabi niya, ‘Grabe, late sila nakauwi, I’m gonna sleep na,’ blah, blah, blah. Tapos ako ‘yung parang, ‘Okay!'” pag-alala ng Kapuso star.
Dugtong pa niya, “Pero hindi naman talaga siya big deal sa akin kasi come on, it’s just a day pero meron pa rin namang feeling na baka isu-surprise niya ako pero gabi pa.
“May hope pa rin kasi I hope Mavy’s really romantic so parang baka meron,” sey ni Kyline.
Walang binanggit ang aktres kung ano ang Valentine gift ni Mavy sa kanya pero aniya binigyan din ng binata ng bulaklak ang nanay niya noong Valentine’s Day.
“Basta ang mahalaga po, for me ang pinaka-big gesture na ginawa niya, yes, pumunta siya ng Tagaytay. Yes, sinurprise niya ako pero ang pinakamahalagang ginawa niya sa akin doon is ‘yung binigyan niya ng flowers ‘yung mom ko,” sey pa niya.
https://bandera.inquirer.net/286547/si-kyline-alcantara-nga-ba-ang-mystery-girl-sa-buhay-ni-mavy-legaspi
https://bandera.inquirer.net/305035/mavy-gumawa-ng-tula-at-kanta-para-kay-kyline-bea-kilig-na-kilig
https://bandera.inquirer.net/297281/kyline-pasado-kay-carmina-bilang-dyowa-ni-mavy