Dawn Chang
“PWES, tumahimik ka!” Ito ang matapang na resbak ng dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Dawn Chang sa isang basher na nang-okray sa kanya sa social media.
Maraming kumampi sa Kapamilya dancer matapos ang kontobersiyal na sagutan nila ng veteran radio at TV host na si Nanay Cristy Fermin. Nagbantaan ng demanda ang magkabilang kampo dahil sa maaanghang nilang mga pahayag laban sa isa’t isa.
Nagsimula ang kanilang banggaan nang mabanggit ng beteranang entertainment columnist na “nakikipaglandian” umano sa mga TV executive si Dawn para sa kanyang career.
Dinenay naman ito ng dancer at nag-demand ng public apology at bawiin ang sinabi laban sa kanya mula kay Nanay Cristy sa pamamagitan ng legal counsel niyang si Atty. Rafael Vincent Calinisan dahil isang “character assassination” daw ang ginawa sa kanyang kliyente.
Sinagot naman agad ito ng lawyer ni Nanay Cristy na si Atty. Ferdinand Topacio at nag-demand din ng public apology mula kay Atty. Calinisan dahil sa umano’y malilisyosong pinagsasabi nito laban sa radio host.
Kasunod nito, nanindigan naman si Nanay Cristy na hinding-hindi niya babawiin ang mga sinabi tungkol kay Dawn at wala rin siyang planong mag-public apology.
Kahapon, Feb. 16, ang ibinigay na deadline ng dalawang magkalabang kampo para sa hinihingi nilang public apology at pagbawi sa mga naging pahayag nila laban sa isa’t isa. Kung hindi ito mangyayari, mapipilitan nga silang magsampa ng kaso.
Sa kanyang Twitter account, nagpasalamat si Dawn Chang sa lahat ng mga nagpadala ng magagandang mensahe sa kanya. Dito, isang netizen ang nagtanong kay Dawn kung totoo ba talagang “pumatol” siya sa boss ng ABS-CBN para sa kanyang showbiz career.
Sagot ni Dawn sa kanya, “Naghihintay din ako ng pruweba. Ang tagal. Hahaha!”
May nagkomento naman na happy sila sa ginawa nito, “for standing up to that marites who would rather ruin someone’s reputation.”
“Mahirap po kumita ng pera. Pagpasensyahan na natin,” sey naman ni Dawn.
Niresbakan din ng Kapamilya dancer isang hater na nagsabing huwag na siyang makisawsaw sa politika. Pang-asar na hirit nito, “Sikat ka ba? May fan base ka ba?”
Ito naman ang bwelta ni Dawn, “Kung basehan ang kasikatan upang magkaroon ng karapatan magsalita at ipaglaban ang tama, pwes, tumahimik ka.”
Kasunod nito, nag-tweet din si Dawn tungkol sa sinasabi niyang “toxic Filipino mentality,” “Pag ikaw ay isang ‘baguhang’ artista, wala kang karapatan. Pag hindi ka sikat, wala kang karapatan.’”
Matatandaang nag-ugat ang mainit na sagutan nina Dawn at Nanay Cristy nang batikusin ng dancer si Toni Gonzaga dahil hindi nito nagustuhan ang pagho-host ng TV host-actress at vlogger sa proclamation rally ng UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio noong Feb. 8, 2022.
https://bandera.inquirer.net/305711/lolit-solis-kay-dawn-chang-baguhan-ka-magde-demand-ka-ng-apology
https://bandera.inquirer.net/288730/justin-cuyugan-hiwalay-na-raw-kay-dawn-chang-let-this-be-a-warning-to-everyone
https://bandera.inquirer.net/305668/cristy-fermin-hindi-magbibigay-ng-public-apology-kay-dawn-chang-hinusgahan-na-po-agad-ang-aking-pagkatao