Elisse may bagong nadiskubre kay McCoy; McLisse may matinding sakripisyo para kay Baby Felize

Elisse Joson, McCoy de Leon at Baby Felize

SIGURADONG nagpipiyesta ngayon ang mga loyal McLisse fans dahil finally magkakasama muli sina McCoy de Leon at Elisse Joson sa isang pelikula.

Makalipas nga ang tatlong taon, pagtatambalin uli ang dalawang Kapamilya stars para sa pelikulang “Habang Buhay.”

Kung hindi kami nagkakamali, huling nagsama ang McLisse sa pelikulang “Sakaling Maging Tayo” na ipinalabad noong 2019. 

“First time ulit namin na mag-work together. So it’s exciting kasi last time ang daming challenges na pinagdaanan nu’n. 

“So, ngayon na lang po kami nagkasama sa isang project and nakakatuwa kasi at least ngayon ay iba na, iba na ang feeling iba ang pakiramdam,” pahayag ni Elisse sa “Inside News” ng Star Magic.

Dagdag pa ng aktres at first-time mommy, “Sobrang iba, pero minsan mayroon pa rin kaming moments na, ay parang ito pa rin ‘yung feeling dati. 


“Akala nga po namin na we won’t be, parang mayroon pa ba tayong connection? Makikita pa ba nila ‘yung spark, ‘yung chemistry? May worries kaming ganoon, but it comes out naturally. 

“So, nakakatuwa naman po na nagagawa namin ngayon better ‘yung mga kailangan naming gawin,” sey pa ni Elisse na isang proud hands-on mom sa anak nila ni McCoy na si Baby Felize.

Samantala, nagkuwento rin ang aktres tungkol sa mga bagong discovery niya sa tatay ng kanyang anak na si McCoy.

“I think hindi natatapos doon sa relationship. Parang mayroon ka palaging malalamang bago sa bawat isa. 

“For example na lang, I will share something I learned lately. Si Mccoy, he may seem like parang very mysterious lagi, may wall, he’s okay, happy but lagi niya ring hinahanap ang comfort. 

“He doesn’t ask for it but you will feel it na, ay kailangan din pala niya ng konting kamusta, comfort hug,’ yung mga simpleng bagay na ganu’n,” lahad ng celebrity mommy.

Natanong din ang aktres kung ano ang feeling nang sabay nilang iwan ni McCoy si Baby Felize dahil sa pagsabak nila sa lock-in shooting ng kanilang bagong movie.

“Nakakalungkot. ‘Yun ang pinaka-sacrifice naming dalawa dahil sa pareho kaming wala. But she’s in good hands kasi kasama niya ‘yung grandparents. Natuwa rin sila na nakasama nila si Felize,” chika ni Elisse.

Ibinandera ng celebrity couple noong October, 2021 na meron na silang anak sa pamamagitan ng special guesting nila sa pagbabalik ng “Pinoy Big Brother” sa ABS-CBN.

https://bandera.inquirer.net/299308/elisse-hindi-pinahirapan-ni-baby-felize-sa-pagbubuntis-walang-hilo-walang-suka

https://bandera.inquirer.net/296589/part-2-ng-love-story-nina-mccoy-at-elisse-nagsimula-nang-dahil-sa-jacket-nadaan-sa-signs
https://bandera.inquirer.net/296844/mccoy-may-sweet-message-sa-kanyang-mag-ina-gagawin-kong-perpekto-ang-pagmamahal-ko-para-sa-inyo

Read more...