Maris natutuwa kapag nagdidiskusyon sila ni Rico: Para kaming nasa korte!

Rico Blanco at Maris Racal

“NATUTUWA ako sa mga arguments namin kasi walang sigawan na nangyayari.” 

Iyan ang bahagi ng sagot ni Maris Racal nang tanungin kung nagkakaroon din ba sila ng pagtatalo at pag-aaway ng kanyang boyfriend na si Rico Blanco.

Ayon sa Kapamilya young actress at singer, na-test daw niya ang pasensiya ni Rico nang turuan siya nitong mag-drive kamakailan na mapapanood sa latest vlog niya sa YouTube.

Halos pare-pareho ang naging komento ng mga nakapanood sa driving lesson vlog ni Maris with Rico kung saan meron nang kulang-kulang 2 million views — sobrang hyper daw ng dalaga habang chilax na chilax lang ang kanyang dyowa.

Sa nakaraang online presscon ng bagong hugot series ng iWantTFC na “The Goodbye Girl”, natanong si Maris kung paano nila hina-handle ni Rico ang kanilang misunderstandings.

“Sa amin talaga, ang ironic nito sabihin, pero natutuwa ako sa mga arguments namin.

“Kasi walang sigawan na nangyayari. So, sinasabi ko yung nasa puso ko and sinasabi ko kung saan ako nanggagaling.

“Tapos siya naman ulit. Tapos tinatahi namin. ‘Okay, naiintindihan na kita.’ Ganu’n lang away namin,” tugon ng dalaga.

“Para kaming nasa korte. Ha-hahaha! Pero sobrang calm lang talaga yung manner namin mag-usap,” sey pa ng aktres.

Naniniwala rin siya na pinakaimportante pa rin sa isang relasyon ang, “Constant communication lang ng gusto at ayaw. Kasi kapag sinasabi niyo sa isa’t isa at nire-remind niyo sa isa’t isa, okay yung mangyayari, walang masyadong away.”

Samantala, nabanggit din ni Maris na simula pa lang ng kanilang relasyon ay hindi naging isyu ang kanilang 25-year age gap. 

Pero sey ni Maris, “Yes, meron talaga siyang positive impact. Unang-una, sa age namin, meron kaming iba’t ibang levels ng experience sa buhay, sa mundo. So, nasi-share namin yun sa isa’t isa.

“Hindi nagma-matter sa amin yung dominant, sino yung recessive. We’re both like that. It’s just that pinag-uusapan namin lahat.

“Hindi kami nagkukuwento sino mas magaling magbigay ng love, or sino mas mahal yung isa. It’s just that mahal namin ang isa’t isa and we just want to keep each other around,” lahad pa niya.

Dagdag pang paliwanag ni Maris, “Marami akong bagay na pinaka-grateful kasi si Rico yung partner ko. Siguro yung number one thing is, marami kasi, wait lang.

“Siguro the way na sobrang pina-prioritize niya yung mental health. So, anything na problem ko, or anything na problem niya, sobrang napapag-usapan talaga namin and naiintindihan namin ang isa’t isa nang sobra.

“Yung factor na yun, sobrang ganda ng naidudulot sa relationship namin,” diin pa niya.


Nauna rito, sinagot naman ni Rico kung ano ang mga nagustuhan niya kay Maris, “Ang gusto ko kay Maris, she doesn’t even realize it but nakaka-happy yung vibe niya.

“I think it’s something na normal to them na magkakapatid. ‘Coz I hang out sa sisters also and the family. That’s the vibe there, parang barkada.

“Same vibe when you’re hanging out with your friends. And it’s really like that kahit kaming dalawa lang. Of course, there are days when we’re down. It happens to her, it happens to me, too.

“But, like, in general, ang positive ng vibe. It brings out the best in me. Yung positive side ko nalalabas.

“Kasi, minsan nakakalimutan ko rin na I’m playful. It’s a bit of childlike, yung fun in every person, she brings it out,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/285330/maris-umaming-masaya-sa-piling-ni-rico-i-think-it-is-very-obvious

https://bandera.inquirer.net/279955/maris-racal-rico-blanco-inulan-ng-tukso-dahil-sa-jamming-video-magdyowa-na-ba
https://bandera.inquirer.net/293125/rico-blanco-mas-naging-open-sa-relasyon-nila-ni-maris-racal-pero-may-itatago-pa-rin-sa-publiko

Read more...