Barbie Imperial
SIGURADONG maraming girls ang makaka-relate sa karakter ni Barbie Imperial sa bagong iWantTFC original series na “The Goodbye Girl”.
Ginagampanan ng Kapamilya actress ang role ni Kiera sa nasabing drama anthology na walang kamalay-malay na may legal wife pala ang dine-date niyang lalaki played by Turs Daza.
“In defense naman kay Kiera, gulatan din kasi yun, eh. Nandu’n ka na akala mo may something na kayo tapos bigla kang gugulatin na may legal pala na asawa.
“Parang yung emotion mo nu’n gulung-gulo. May confrontation naman yung mom and Kiera na gusto naman niya talaga na makipaghiwalay pero hindi niya lang kaya,” kuwento ni Barbie sa online mediacon ng “The Goodbye Girl.”
Chika pa ng ex-dyowa ni Diego Loyzaga, “Wala talagang kamahal mahal sa mga taong manloloko but sa character ko naman dahil siya ng yung other girl and niloko niya pa rin yung wife ni Turs sa series, ang konting-konting kamahal mahal sa character ni Kiera is that bumawi naman siya sa huli.
“I’m not saying na tama yung ginagawa ng mga taong nanloloko or ng mga other girls. Mali talaga yun. Pero yung ibang tao kasi talaga, pag mahal nila yung tao bulag ka talaga eh, di ba?
“So mali pero also imagine the pain na pinagdadaanan ng tao na yun. Pero mali pa rin. At the end of the day kailangan babawi ka talaga. Itatama mo yung mali mo,” paglalarawan pa niya sa kanyang role.
Ngayong single na uli siya matapos ang controversial breakup nila ni Diego, nagpaliwanag si Barbie kung bakit hinding-hindi siya papayag na maging kabit o other woman kasabay ng pagsasabi na never din niyang huhusgahan agad ang mga nagiging third party sa isang relasyon.
”Basta for me if may ibang tao ka na nasasaktan and alam mo talaga na nasasaktan sila tapos ginagawa mo pa rin, for me mali talaga yun. I think depende sa sitwasyon to be honest.
“Kasi maraming other women na hindi nila alam na other women sila so kawawa sila, di ba? Pero kung alam nila na other woman sila at pinapasok pa rin nila yung gulo na yun, alam na nila na may legal na girlfriend or wife hindi talaga.
“Ayoko. Naniniwala kasi ako sa karma, eh. Na kung ano yung pinaparamdam mo sa isang tao, ipaparamdam yan sa ‘yo balang araw,” paliwanag pa ng dalaga.
Nauna rito, kinumpirma nga ni Barbie na hiwalay na sila ni Diego,”We broke up na, break na kami. Hindi naman siya bad breakup. Okay kami. Hindi kami nag-break na magkaaway kami, hindi. We are okay.
“I think it’s for the better naman. And even si Diegs naman alam niya naman ‘yon na parang marami pa kaming kailangang matutunan at kailangan pa namin na mag-grow apart,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/305495/barbie-imperial-sa-mga-iniwan-ng-dyowa-ok-lang-na-masaktan-tao-lang-naman-tayo
https://bandera.inquirer.net/305722/barbie-ayaw-nang-balikan-ang-mga-ex-dyowa-i-mean-lord-please-guide-me-sana-wala-na-talaga
https://bandera.inquirer.net/292940/lovelife-hugot-ni-bea-wag-magbulag-bulagan-pag-may-nakita-kang-mali-ibig-sabihin-may-mali