‘It’s Showtime’ hosts ‘nabulaga’ sa Vice-Ion wedding: Ganyan din ang naramdaman ng nanay ko at ni Angeline

Vice Ganda at Ion Perez

“BINULAGA” nina Vice Ganda at Ion Perez ang kasamahan at co-hosts nila sa “It’s Showtime” dahil wala ring kaalam-alam ang mga ito sa kanilang pagpapakasal sa Las Vegas.

Naitago ng celebrity couple sa kanilang mga katrabaho sa Kapamilya noontime show pati na rin sa madlang pipol ang engagement at ang wedding nila sa Amerika last year.

Sa pamamagitan ng isang vlog sa kanyang YouTube channel ibinandera ng Phenomenal Box-office Star ang pagpapakasal nila ni Ion sa Las Vegas, Nevada, USA, noong Oct. 19, 2021.

Kanina, sa live episode ng “It’s Showtime”, napansin ni Vice na halos lahat ng co-host nila ay nakatitig lang sa kanilang mag-asawa kaya nagtanong na ang komedyante kung bakit.

Unang sumagot si Karylle, “Kasi may sinikret kayo sa amin, e.” Na sinundot naman ni Kim Chiu ng, “Di namin alam (ang kasal) pag-uwi niyo galing ng U.S.”

Sey ni Jugs Jugueta, “Andaya niyo. Hindi kami invited.” Na sinegundagan din ni Vhong Navarro ng, “Magkasama tayo nu’ng Friday, hindi ka nagkukuwento.

“Ano ang istorya nito? Bakit binulaga niyo kami? Nakita ko na lang kasi trending kayong dalawa,” hirit pa ni Vhong.


Biro namang sagot ni Vice, “Binulaga talaga? Hindi puwedeng Shinowtime na lang?” Obviously, ang tinutukoy ng TV host-comedian ay ang katapat nilang show sa GMA 7 na “Eat Bulaga.”

Hirit uli ni Vhong, “Binulaga niyo kami dahil nag-Showtime kayo doon (sa Amerika).

“Biglang nakita ko trending si Vice Ganda, tapos trending si Ion Perez. Kagulat-gulat, e. Binigla niyo kami,” aniya pa.

Sey naman ni Ogie Alcasid kay Vice, “Talaga namang kagulat-gulat. Nagte-text ka pa sa akin nu’ng Linggo, e. Tapos bigla na lang, ‘Huy, ano ‘to?! Anong nangyayari?!”

Paliwanag sa kanila ni Vice, “’Wag kayong mag-alala, ganyan din ang naramdaman ng nanay ko at saka ni Angeline Quinto.” Kasama kasi niya si Angeline sa kanyang concert noong October, 2021.

Patuloy na kuwento ni Vice, “Sabi niya (Angeline), ‘Magkakasama tayo sa iisang hotel…’ magkakasama kasi kami sa isang hotel sa Amerika, wala silang kaalam-alam.”

“Concert ko sa Amerika, tapos nagkataon na anniversary din namin (ni Ion). Tapos nu’ng nagpunta kami ng Vegas, ganoon naman ang mga ganap-ganap doon pag nagpunta ka ng Vegas. It’s either magsusugal ka, o magpapakasal ka, o mambabae ka,” natatawa pang chika ng komedyante.

Ani Vice, mahigit isang taon na silang engaged ni Ion bago sila magpakasal. Naganap naman ang kanilang engagement noong February, 2020, bago magkaroon ng COVID-19 pandemic.

Inamin din niya na pagkatapos mag-propose ni Ion, pina-delete niya ang mga video na kuha ng kanyang mga kaibigan dahil, “Sobra akong takot na bababuyin lang ng tao ang isang bagay na napakaganda para sa atin.

“Sabi ko, tama na yung tayong dalawa na lang ang nakakaalam. Malalaman ng ibang tao babastusin lang nila, bababuyin, pagtatawanan, gagaguhin kaming dalawa, di ba?” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/305574/vice-ganda-ion-perez-nagpakasal-na-sa-las-vegas-may-pangako-para-sa-isat-isa

https://bandera.inquirer.net/305810/vice-inilihim-ang-proposal-ni-ion-sobra-akong-natakot-na-babuyin-lang-ng-tao-itong-bagay-na-napakaganda-sa-akin
https://bandera.inquirer.net/286265/vice-nagpasalamat-sa-diyos-sa-pagdating-ni-ion-ang-bait-mo-binigyan-mo-ako-ng-ganito

Read more...