Kahit grabe ang kaba napagtagumpayan natin ang hamon! – Enchong

Melai Cantiveros, Enchong Dee, Bianca Gonzalez, Robi Domingo at Kim Chiu

TODO ang pasasalamat ng Kapamilya actor na si Enchong Dee sa lahat ng mga nanood at nagbigay ng positibo at inspiring message sa “bagong chapter” ng “Pinoy Big Brother” nitong Sabado, Feb. 12.

Naging malaking hamon para sa buong production ng “PBB” season 10 ang episode last Saturday dahil sa biglang pagkawala ni Toni Gonzaga bilang main host ng reality show.

Hindi binanggit ng TV host-actress at vlogger ang tunay na dahilan sa pagre-resign niya sa “PBB” pero ginawa niya ito matapos maging kontrobersyal ang pagho-host niya sa proclamation rally nina Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio.

Si Bianca Gonzalez ang pumalit kay Toni kung saan nakasama rin niya ang mga segment hosts na sina Enchong, Melai Cantiveros, Robi Domingo, at ang nagbabalik-PBB host na si Kim Chiu.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Enchong kamakalawa ang ilan sa mga eksenang nangyari sa live show ng “PBB”. Aniya, isa itong “testament” na kahit ano pa ang pagdaanang pagsubok ng programa ay magtatagumpay sila.

Mensahe ni Enchong, “The Kapamilya Way brings out the Best in all of us. Last night, was a testament that no matter what we go through, we will #Thrive because we have each other. (ABS-CBN color heart emojis).”


Aminado rin ang binata na halos lahat sila ay nakaramdan ng grabeng kaba habang ongoing ang programa, “I’ve always considered myself as an actor who loves to host and perform.

“Buti nalang kasama ko kayo @iamsuperbianca @iamrobidomingo @chinitaprincess @mrandmrsfrancisco Saludo ako sa puso at professionalism ninyo… kahit grabe ang kaba natin kagabi napagtagumpayan natin ang hamon.

“Sa lahat ng kasamahan namin sa likod ng kamera, mga staff at crew na grabe ang sakripisyo para sa @pbbabscbntv kasama niyo kami sa paglalakbay. At sa mga supporters ni Kuya… Maraming Salamat,” pahayag pa ng binata.

Matatandaang nag-umpisa si Enchong bilang host ng Kapamilya reality show noong 2015, sa “PBB: 737”. Ngayon, magkasama na sila ni Melai sa commercial gap show ng daily “PBB” sa Kumu.

https://bandera.inquirer.net/281552/enchong-parang-pari-rin-sa-totoong-buhay-kyle-enjoy-sa-pagiging-kontrabida

https://bandera.inquirer.net/280884/secret-fantasy-ni-enchong-kinky-stuff-sa-eroplano-erich-4-ang-gustong-anak

https://bandera.inquirer.net/299919/chie-filomeno-tumigil-sa-pagsasayaw-matapos-ma-bash-dahil-sa-viral-video

Read more...