Vince Rillon, Stephanie Raz, Cloe Barretto, Cara Gonzalez at Ayanna Misola
HINDI lang isa o dalawa kundi apat ang ibinigay na leading lady sa sexy actor na si Vince Rillon para sa bago niyang proyekto sa Vivamax, ang trilogy series na “L”.
Super lucky si Vince ngayong 2022 dahil pagkatapos ngang bumida sa dalawang hit Vivamax films na “Siklo” at “Sisid”, siya rin ang maswerteng napili para sa sex-drama anthology na “L” na mapapanood na simula sa Feb. 27.
Makakasama niya rito ang mga palaban din sa hubaran at paggawa ng sex scenes na sina Stephanie Raz, Cloe Barretto, Cara Gonzalez at Ayanna Misola.
“Siyempre po, ang saya-saya ko, kasi I have four different leading ladies at may love scene ako with all of them.
“I really feel lucky na sa akin napunta ang project na ito. Thanks to Viva at nagtiwala sila sa akin. Si Stephanie yung girlfriend ko, si Lana, na nang-iwan sa akin. Sobrang baliw na baliw ako sa kanya at yung pakikipag-break niya sa akin ang nag-start ng journey ko ng paghahanap ng true love,” patikim na pahayag ng aktor tungkol sa kuwento ng “L.”
Patuloy pa niya, “Sa first episode, ‘Larawan’, si Ayanna Misola plays Louise na na-meet ko sa isang art gallery kasi painter ako rito. Sa second episode, ‘Liko’, CLoe Barreto plays Liza, isang bored and lonely wife na na-pickup ko sa kalye.
“Sa third episode, ‘Lipat’, si Cara Gonzales plays Lucy, a mysterious woman I met while looking for an apartment where I can move. May kakaibang twists sa bawat story nila,” aniya pa.
At in fairness, binigyan din siya ng Viva ng magagaling na direktor — sina Topel Lee for “Larawan”, EJ Salcedo para sa “Liko”, at Roman Perez Jr. para naman sa “Lipat”.
“Yes, iba-ibang directors na iba-iba rin ang styles. I got to work with Direk Roman Perez before in ‘Siklo’ so more or less, alam ko na ang gusto niya.
“Now, first time ko naman with Direk Topel Lee and Direk EJ Salcedo at napakasinop nila sa ibinibigay nilang mga eksena sa akin. Tinutukan nila ako at lahat sila hindi nila ako pinababayaan sa atake ko sa role ko.
“Kasi bale yung character ko ang tumatahi sa koneksiyon ng tatlong stories and I’m so thankful to all of them na they guided me para hindi ako mawala o maligaw kahit iba-iba ang kasama ko sa movie,” paglalahad pa ni Vince na talagang nagmarka sa LGBTQIA+ movie na “Sisid” with Paolo Gumabao.
Sa tanong kung naaapektuhan o tinatablan ba siya kapag nakikipag-churvahan sa harap ng mga camera, “Siyempre, I get affected. Dapat lang na may ma-develop na feelings kasi importanteng may maramdaman ako for them para magampanan ko nang maayos ang character ko.
“Kailangang maging realistic on screen, but it’s as part of my character as Lucas, at hindi mismong ako, si Vince,” tugon ng aktor.
Wala rin daw magagalit o magseselos sa mga pinaggagagawa niya sa kanyang mga pelikula dahil single na single raw siya ngayon.
“Ang priority ko right now is work muna, so ine-enjoy ko lang ang trabaho ko. I don’t want to be distracted.
“Kasi sayang naman ang opportunities na ibinibigay sa akin ng Vivamax kung hindi ko pagbubutihin ang trabaho ko rito,” sey pa ni Vince.
https://bandera.inquirer.net/303089/paolo-gumabao-vince-rillon-mas-nadaliang-makipaghalikan-sa-kapwa-lalaki-kesa-sa-babae-anyare
https://bandera.inquirer.net/305480/vince-rillon-ayaw-mang-rebound-ayokong-gawin-sa-iba-para-hindi-mangyari-sa-mga-kapatid-kong-babae
https://bandera.inquirer.net/303326/paolo-gumabao-sa-sex-scenes-nila-ni-vince-rillon-ano-pre-sasagarin-ko-to-ha-para-one-take-lang