Lolit Solis kay Dawn Chang: Baguhan ka magde-demand ka ng apology?

Lolit Solis kay Dawn Chang: Baguhan ka magde-demand ka ng apology?

SA online show na “Take it Per Minute Me Ganu’n” nina Manay Lolit Solis, Mr. Fu, at Nanay Cristy Fermin nitong Martes, Pebrero 15 ay natalakay ang demand letter na inihain ng abogado ng dating “PBB” housemate at social media influencer na si Dawn Chang na si Atty. Rafael Vincent Calinisan sa batikang manunulat.

Demand letter palang ang inisyu kay Nanay Cristy at wala pang kaso ay may nakalagay nang ‘we assure you, we will send you to jail’ kapag hindi nito binawi ang sinabi niya laban kay Dawn sa kanyang radio at online show na “Cristy Ferminute” sa Radyo5 92.3 News FM.

Ang komento ni Manay Lolit, “Kapapasok mo palang sa mundong ito (showbiz) lahat muna tanggapin mo ng constructive. Halimbawa, sinulat ni Cristy ang tingin sa ‘yo ganito, ganyan. E di (isipin mo) ‘ay baka nga ganito kasi sa kilos ko, ganito tingin sa akin kailangan baguhin ko. Mabuti nga, suwerte siya pinagtuunan siya ng pansin ni Cristy Fermin.”

Dagdag pa, “Kung baguhan ako at isinulat ako ni Cristy Fermin, maligaya na ako no’n at hindi ko babanggitin ang name niya ‘no!”

Susog din ni ‘Nay Cristy na hindi niya kilala si Dawn Chang at binalikan niya ang mga nasulat niya simula nang magsulat siya ay ni minsan ay hindi siya nasulat ang dating PBB housemate.

“Ang pagkasi ko no’n in jest, sabi ko, ‘Dawn Chang me cheret’ may ganu’n pa,” paglalarawan ng manunulat.

“At saka the nerve baguhan ka magde-demand ka sa akin ng apology? The who!? Sino ka?” Tumawang pahayag ni Manay Lolit na ikinatawa rin ni nanay Cristy.

Dagdag pa, “baka kung si Mother Lily (Montverde) ‘yun, Sharon Cuneta o si Kris Aquino baka puwede pa mag-isip ako, pero kung ‘ano name mo? Paano i-spell..naku paano i-spell.”

Nagkatawanan ang tatlong host ng show at nag-suggest pa si Mr. Fu ng, ‘tawagin na lang natin siyang Cynthia.”

Pero pumapalag si manay Lolit, “’wag na! Magagalit si Senator Cynthia Villar.”

Muling ipinagdiinan ni nanay Cristy in behalf sa mga kasamahan niya sa trabaho na demand letter palang ay ipapakulong na kaagad kapag hindi nagbigay ng public apology na wala pang desisyon mula sa piskalya, korte, court of appeal, at supreme court.

Obserbasyon pa ni manay Lolit, “hindi man lang marunong ng PR ‘yung lawyer?. Susulatan mo ako ng ganito labanan tayo? Bakit? Teka muna.”

At nabanggit din ni Nanay Cristy na kaya hiningi niya ang tulong ni Atty. Ferdinand Topacio na 30 years na bilang abogado at tagapagtanggol na pagkatapos mabasa ang demand letter ay nag-isyu rin ng demand letter sa kampo ni Dawn Chang para humingi ng paumanhin sa batikang manunulat dahil sa mga salitang ginamit niya laban dito.

“Sila ang hihingan natin ng apology, mas libelous ang sinabi sa ‘yo,”sabi raw ni Atty. Topacio kay Nanay Cristy.

Tumatawang sabi ni Manay Lolit, “Kapag gusto mo talagang mamuwisit ng kalaban? Kunin mo si Atty. maiinis ka, ikaw (kalaban) ang mapipikon.”

Dagdag pa, “siguro..matalino ang kanyang manager (Dawn Chang) ay gamitin natin kasi magiging publicity mo ‘yan.”

Nanatiling bukas ang BANDERA sa panig ni Dawn Chang at ng abogado niyang si Atty. Calinisan.

 

Related Chika:
Cristy Fermin hindi magbibigay ng public apology kay Dawn Chang: Hinusgahan na po agad ang aking pagkatao
Cristy Fermin pumalag kay Dawn Chang; humingi rin ng public apology

Read more...