Juday natakot malaos: Kapag nag-asawa at nagkaanak ako, baka hindi na ako gusto ng mga tao

Judy Ann Santos

AMINADO ang Kapamilya Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos na nakaramdam din siya ng matinding takot kapag nalaos siya bilang artista.

Ayon kay Juday, naranasan din niya ang mangamba para sa kanyang showbiz career lalo na noong kabataan niya kung saan talagang sunud-sunod ang ginagawa niyang projects sa TV at pelikula.

“Nu’ng una, inisip ko iyan. I think it’s inevitable na hindi mo siya maisip kapag artista ka, lalo pa at nagsimula ka nang bata and you just got really used to it na ito yung naging buhay ko,” pahayag ng aktres sa interview ni Karen Davila na mapapanood sa kanyang vlog.

Dugtong pa ng misis ni Ryan Agoncillo, “May takot ako noon. Iniisip ko kung anong mangyayari sa akin lalo kapag nag-asawa ako, halimbawa. Kapag nag-asawa ako, kapag nagkaanak ako, baka hindi na ako gusto ng mga tao.”

Ngunit ibang-iba na raw ang pananaw niya pagdating sa kanyang showbiz career, “Ngayon, nandoon na ako sa situation ng buhay ko na parang I have everything that I want. 

“I have everything that I need and more. Bakit ako matatakot kung saan ako gustong dalhin ng Diyos? 

“If the Lord would tell me na ‘Okay anak, give chance to others na. Pwede ka nang gumawa ng sarili mong path,’ okay na ako kasi natawid ko na siya. Feeling ko naibaba ko na yung legacy ko,”  aniya pa.


Sapat na raw kay Juday kung anuman ang meron siya ngayon at kuntento na rin siya sa lahat ng blessings na ibinigay sa kanila ni Ryan pati na rin sa kanilang mga anak.

“Napaka-greedy ko naman kung maghahanap pa ako ng fame. Happy na ako. Kuntento na ako kung nasaan ako ngayon,” diin pa ni Juday.

Alam din daw niya na hindi siya aarte forever sa harap ng mga camera kaya kinarir niya ang pag-aaral sa ibang bagay kabilang na ang pag-develop sa kanyang culinary skills.

“It’s always on top of my mind. Natatakot ako na baka at some point dahil wala naman akong natapos, kapag hindi na ako artista, paano ako mabubuhay. Yun lang naman ang concern ko, hindi na nga yung maging sikat forever,” pahayag pa ni Judy Ann.

https://bandera.inquirer.net/305154/judy-ann-masaya-sa-covid-19-vaccine-experience-ng-mga-anak-all-in-kami

https://bandera.inquirer.net/297316/judy-ann-emosyonal-sa-b-day-message-para-kay-yohan

https://bandera.inquirer.net/284708/piolo-sa-pinoy-version-ng-doctor-foster-kung-tinanggap-ni-juday-ill-do-it

Read more...