Heart ayaw ipagsiksikan ang sarili sa mga ayaw sa kanya: Nagmumukha lang akong nagpipilit, so I decided to be myself

Heart Evangelista

FEEL na feel ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista kapag pinupuri ng publiko ang mga ginagawa niya sa buhay, lalo na ang kanyang pagiging totoong tao.

Diretsahang sinabi ni Heart na noong una ay talagang kinakarir niya na mag-fit in kung saan man siya mapadpad at makarating pero na-realize niya na hindi ito epektib sa kanya.

Sa latest vlog ng aktres, ibinahagi ng Kapuso prime star sa kanyang fans and social media followers ang naging bonggang journey niya sa pagpunta sa France para sa 2022 Paris Fashion Week.

Mapapanood dito ang never-before-seen footage ng mga naging kaganapan sa pagrampa niya sa Paris Fashion Week kabilang na ang mga pasabog na photoshoot niya sa iba’t ibang tourist destination doon.

Espesyal at unforgettable para kay Heart ang pagtungo niya sa City of Lights this year dahil bukod sa pakikipagkita niya sa mga sikat na celebrity sa fashion world, ito rin ang unang pagkakataon na solo flight siya at hindi ka-join ang kanyang glam team.

Sa isang bahagi ng vlog, naikuwento ni Heart na napatunayan din niya na “struggle is real” sa pakikibagay sa ibang tao noong kabataan niya hanggang sa pagpasok niya sa mundo ng showbiz.

Simulang chika ng aktres na nagse-celebrate ng kanyang 37th birthday today, “I really get touched when people actually appreciate me for me.

“I’ve always been very kikay, I would get a lot of bashing and stuff because people didn’t understand that I just really like to be a bit different and I’m not really the typical what they want you to be,” dagdag niya.

Sey pa ng Kapuso star, “I always struggle to fit in, but then that never happened. Nagmumukha lang ako nagpipilit, so I decided to be myself.”


Naging emosyonal pa nga raw siya nang mabasa ang magaganda at positibong comments nang rumampa siya 2022 Paris Fashion Week.

“And when people appreciate you for who you are before and what you are today. It’s not like that I’m such a huge thing, but doing what you love the most, which is kakikayan, fashion, and it’s actually a job.

“I really get touched, so touched that I feel like crying, because ‘yung struggle na pumunta dito or the struggle like it seems all fun and easy, but it’s actually really hard, and then they appreciate that. I’m very touched,” pahayag pa ni Heart.

In fairness, mabilis na naging top trending videos sa YouTube ang “My First Solo Flight To Paris Fashion Week 2022” ni Heart at pumasok pa sa Top 20.

https://bandera.inquirer.net/305176/heart-nagtagumpay-dahil-sa-pagiging-totoo-kikay-talaga-ako-at-may-narating-ang-pagkakikay-ko

https://bandera.inquirer.net/286624/heart-inirampa-ang-swimsuit-na-nagkakahalaga-ng-p40k-nagpapatayo-na-ng-beauty-company

https://bandera.inquirer.net/305009/pia-ibinandera-na-rin-ang-pag-aaring-branded-stuff-heart-made-me-do-it-nakikiuso-lang

Read more...