May bago at kapana-panabik tayong matutunghayang official music video mula kina Christian Bautista at Julie Anne San Jose para sa kanilang bagong collaboration na “Everybody Hurts.”
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagtambal ang Kapuso stars na sina Allen Ansay at Sofia Pablo para sa sa isang music video at laking tuwa nila na kinuha sila para sa “Everybody Hurts” ng tinaguriang Asia’s Romantic Balladeer at Asia’s Limitless Star.
Kung si Christian at Julie Anne naman ang tatanungin, wala rin naman silang masabi kundi magagandang mga salita patungkol sa dalawang young and rising Kapuso stars, lalo na noong naging sobrang game sila gawin ang contemporary dance scenes para sa music video.
. “Kasi napanood din namin ‘yung preview eh. Ang ganda ng performance niyo ni Sofia, you did very good. Tsaka syempre ‘yung ‘Everybody Hurts’ is alam mo ‘yun may hugot nang kaunti, full of hope and nakita namin doon lahat ‘yung emotions Ninyo,” sabi ni Julie Anne noong music video release party ng “Everybody Hurts” sa Facebook Live kasama sina Allen at Sofia.
“Heartfelt. Very heartfelt,” dagdag naman ni Christian.
Katulad ng musical drama series na “Still” ni Christian at Julie Anne na mapapanood sa Viu Philippines, si Treb Monteras ang director ng kanilang bagong music video.
Matatandaan na ang huling official collab ng dalawang music icons ay noong 2015 pa, para sa kanilang rendition ng love song na “Cruisin’”. Marami rin naman silang nagawang proyekto together, tulad ng kanilang successful na “The Sweetheart and The Balladeer” major concerts.
Mapapanood na ang official music video ng “Everybody Hurts” sa official YouTube channel ng Universal Records Philippines.
ADVT