Danica Sotto sa mga produkto ng broken family: Marriage lang nila ang nag-end pero ikaw hindi…

Danica Sotto, Marc Pingris, Jean Michael at Anielle Micaela

“YOU are not broken!” Yan ang mariing paalala ng aktres at dating TV host na si Danica Sotto-Pingris sa lahat ng mga tulad niyang nagmula sa broken family.

Nag-share ng kanyang mensahe ang anak nina Bossing Vic Sotto at Dina Bonnevie para magsilbing inspirasyon sa lahat ng mga taong nagkakaroon ng personal issue dahil sa pagiging produkto ng sirang pamilya.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nag-post si Danica ng isang photo collage na kuha sa wedding nila ni Marc Pingris noong 2007.

Makikita sa mga litrato na present sa kasal ang kanyang mga magulang na sina Bossing at Ms. D na matagal nang hiwalay at meron nang kanya-kanyang buhay ngayon. 

Ikinasal ang dalawang veteran stars noong 1982 at biniyayaan ng dalawang anak, sina Danica at Oyo. Nagkahiwalay sila noong 1986 hanggang sa ma-annul ang kanilang kasal noong 1992.

Masaya na si Dina sa relasyon nila ni House Deputy Speaker DV Savellano habang maligayang-maligaya na rin si Vic sa piling ng asawang si Pauleen Luna kasama ang anak nilang si Tali. 


Ayon kay Danica, nauwi man sa hiwalayan ang pagsasama ng kanyang mga magulang, hindi ito naging dahilan para ma-discourage siya na magkaroon o bumuo rin ng sariling pamilya.

“To the children of separated parents… You are not doomed to repeat the mistakes of your parents,” simulang pahayag ni Danica sa kanyang FB post. 

Patuloy pa niya, “You will find love and you have love kasi you learned from what they did wrong. Marriage lang nila ang nag end pero ikaw hindi… you are not broken.”

Isa raw sa pinakamabisang paraan para mapunan ang nararamdamang kakulangan sa buhay at pagkatao ng isang anak ng naghiwalay na magulang ay ang taos-pusong paghingi ng patnubay sa Panginoong Diyos.

“Ask God to help and guide you. Kasi if we genuinely experience and understand God’s love. You won’t need to prove yourself to other people. 

“You know na buo ka kasi HE fills in the gaps. Yung di kayang punuin ng mga tao lang,” pahayag pa ni Danica. 

In fairness, isa sa mga celebrity couples na hinahangaan ng publiko at nagsisilbing inspirasyon sa mga magdyowa ay sina Danica at Marc nga.

Solid na solid pa rin ang pagsasama ng dalawa as married couple at sa katunayan magse-celebrate na sila ng kanilang 15th wedding anniversary sa darating na March 3.

Biniyayaan din sila ng dalawang anak — sina Jean Michael at Anielle Micaela.

https://bandera.inquirer.net/289770/danica-sa-banyo-humihinga-at-nagdarasal-kapag-feeling-niya-ang-daming-pagsubok-na-dumarating

https://bandera.inquirer.net/284971/danica-may-binitiwang-pangako-matapos-magretiro-si-marc-sa-pba
https://bandera.inquirer.net/292878/danica-marc-ibinandera-ang-sikreto-sa-14-years-na-pagsasama-bilang-mag-asawa-bawal-magbanta

Read more...