Elisse excited na sa V-day kasama si McCoy: May sarili akong way to make him feel special, sana siya rin

Elisse Joson at McCoy de Leon

LOOKING forward na siyempre ang celebrity couple na sina Elisse Joson at McCoy de Leon sa  nalalapit na pagdiriwang ng Valentine’s Day.

Naikuwento ng Kapamilya actress sa nakaraang virtual mediacon ng bagong project niya sa ABS-CBN, ang iWantTFC original series na “The Goodbye Girl”, kung paano sila nagse-celebrate ng Araw ng mga Puso.

Hindi na nagdetalye si Elisse about it, pero aniya, palagi siyang nae-excite sa pagsapit ng Feb. 14 dahil itinuturing din nilang super special ang araw na ito tulad ng iba pang mga magdyowa.

“Siyempre I feel like meron akong sariling way to make him feel special and sana siya din meron. Ha-hahaha! 

“I can’t share much because what we do for Valentine’s is we don’t really plan it na alam namin pareho. We have our own secret planning,” chika ni Elisse.

Dagdag pa niya, “I look forward to spending time with him lang. Kahit ano naman ang maplano namin, I just really look forward to the time together kasi iba pa rin yung kayong dalawa now that we have a kid.”

Samantala, nagpasalamat naman ang aktres sa iWantTFC dahil nabigyan siya ng chance na makatrabaho ang Kapamilya actor na si Joshua Colet sa digital series na “The Goodbye Girl”. Sila ang bibida sa episode na “The Legally Blind.”

“Matagal na kaming magkakilala ni Joshua. When we were starting, magkasama na kami sa workshops and all. And then ngayon nga lang kami nagkatrabaho which is nice kasi since matagal na nga kami magkakilala, madami lang ang naging flow. 

“Nagkamustahan kami. Sa set there was no kapaan. Lahat kasi ng nandun sa set, everybody was so maalaga and friendly. 

“Si Direk Derick (Cabrido) magaan siya katrabaho and he was very clear about instructing. Pero he also gave us the freedom to just do our own thing,” kuwento ni Elisse.

Sa tanong kung humugot ba siya sa kanyang personal experience sa karakter na ginagampanan niya sa serye, “Depende kasi talaga sa anong kailangan sa eksena. So sometimes when I feel like I can use my personal experience, I would use it to my advantage. 

“And sometimes kung matagal na kasi yung experience na yun, ang hirap na ipa-resurface. So sometimes it doesn’t work. Pag ganu’n, I’ll use other methods that I can para magawa yung eksena.


“Pero totoo naman na nagagamit yung personal experience and maganda pag nagamit talaga,” paliwanag pa ng Kapamilya star at first-time celebrity mommy.

Samantala, ito naman ang masasabi niya tungkol sa pakikipagrelasyon at pagmamahal lalo na sa mga may pinagdaraanan ngayon, “Ang logical na explanation na naiisip ko lang kasi parang we love through our heart. So minsan hindi na nagagamit talaga yung mata natin. 

“For the ladies and also for the men who go through the same thing that my character went through, madaling sabihin na umalis ka na lang kung hindi ka pinapahalagahan pero mahirap gawin. 

“I know that there’s always a better love kung hindi ka naman pinapahalagahan kung saan ka ngayon. Very cliche but even if you’re not in a relationship or you are in one, it is better to start with loving yourself talaga. Yun lang,” mensahe pa ni Elisse.
https://bandera.inquirer.net/304968/elisse-joson-ayaw-ng-bonggang-wedding-ang-dream-ko-lang-talaga-sa-dagat-at-sa-church

https://bandera.inquirer.net/296589/part-2-ng-love-story-nina-mccoy-at-elisse-nagsimula-nang-dahil-sa-jacket-nadaan-sa-signs

https://bandera.inquirer.net/303196/elisse-sa-part-2-ng-love-story-nila-ni-mccoy-kapag-tumibok-ang-puso-wala-ka-nang-magagawa-kundi-sundin-ito

Read more...