Robin babu muna sa agri-business show ng Net 25 bilang host, papalitan ni Mariel

Mariel Rodriguez at Robin Padilla

SI Mariel Rodriguez muna ang hahalili sa kanyang asawang si Robin Padilla bilang host ng programang “Unlad: Kaagapay sa Hanapbuhay” na napapanood tuwing Linggo at Sabado sa Net 25.

Bawal kasing mapanood sa anumang programa sa TV at radio ang mga kumakandidato para sa darating na eleksyon, as per Comelec regulation bukod pa sa abala rin si Binoe sa paglilibot para ipakilala ang sarili bilang senatorial candidate.

Ang nasabing agricultural show ni Binoe na nagsimula noong Hulyo 26, 2020 ay maraming natutulungang maliliit na negosyante na matapos ma-feature sa Unlad Kaagapay sa Hanapbuhay ang kanilang mga produkto ay maganda ang magiging outcome kaya nagpapasalamat din sila sa actor at sa Eagle Broadcasting Company na nakaisip sa ganitong format ng programa.

Nakapag-taping na si Mariel nitong Martes, Peb. 8 para sa una niyang episode na mapapanood na sa Linggo, Peb. 12. Sabi ni Mariel nang makatsikahan namin ay excited siya sa gagawin niyang pagho-host

“Ako muna ang sasalo ng Unlad kasi hindi siya (Robin) puwedeng lumabas sa TV,”  mensahe ni Mariel nang maka-chat namin sa Instagram.

At kahit matagal nang wala sa ABS-CBN ang mama nina Isabella at Gabriela ay nagpaalam pa rin siya kay Direk Lauren Dyogi bilang Entertainment head ng ABS-CBN, “Abiso lang sa ABS. Respect ba,” saad nito.


Wala na siyang kontrata sa Kapamilya network at si Boy Abunda pa rin ang nagre-represent sa kanya kapag may mga offers.

Intro at extro ang gagawin ni Mariel bilang host ng “Unlad Kaagapay sa Hanapbuhay” na naaliw kami dahil siya ang nagse-set-up ng camera at siya rin ang mag-e-edit.

Kahit pa si Robin ang host ay si Mariel ang camerawoman ng asawa dahil mas medyo techie siya kumpara sa aktor.

Nabanggit pang hindi pinapayagan ni Binoe na lumabas ang asawa’t mga anak pati na mga kasambahay bilang pag-iingat na rin sa gitna ng COVID-19 pandemic.

https://bandera.inquirer.net/296760/aga-napiling-host-sa-bagong-game-show-ng-net-25-aiko-jay-4-years-nang-magdyowa

https://bandera.inquirer.net/291622/mariel-rodriguez-masaya-pa-rin-ba-bilang-asawa-ni-robin-padilla

https://bandera.inquirer.net/305095/kita-ni-mariel-sa-cooking-ina-meat-business-ginagastos-sa-kampanya-ni-robin

Read more...