Toni basag na basag sa mga haters dahil sa politika: Nakakabastos naman kasi talaga!

Toni Gonzaga

BUGBOG-SARADO ngayon ang TV host-actress na si Toni Gonzaga matapos amining hindi na siya mapapanood bilang host ng “Pinoy Big Brother” sa ABS-CBN.

Ito’y sa gitna na rin ng pangnenega at pambabatikos sa kapatid ni Alex Gonzaga matapos ang lantarang pagsuporta sa kandidatura ng presidential candidate na si Bongbong Marcos pati na ng mga kapartido nito.

Talagang cancel kung cancel ang mga netizens kay Toni kasabay ng pagpo-post sa social medi ng kanilang hate messages laban sa actress-vlogger.

Isa sa mga inirereklamo at ibinabato kay Toni ng mga haters ay ang pagsuporta umano nito sa mga taong nagpatigil noon sa operasyon ng ABS-CBN. Anila, paano raw niyang nagawa na ikampanya ang mga ito matapos ipasara ang kumpanyang pinagtatrabahuan niya? 

Ginamit pa nga ng ilang bumabanat sa kanya ang mga pelikulang ginawa niya sa Star Cinema na trending topic ngayon sa Twitter, tulad ng “My Amnesia Girl” (pelikula nila ni John Lloyd Cruz) at “Teddie – Ang Tanga Lang” na isang classic line sa blockbuster movie na “Four Sisters And A Wedding.”

Sa mga nabasa naming komento sa social media, talagang parang gusto na nilang ipako sa krus si Toni dahil feeling nila tinraydor nito ang ABS-CBN at ang mga katrabaho niya sa network.

Narito ang ilang comments ng BANDERA readers sa Facebook tungkol sa official statement ni Toni tungkol sa pag-alis niya bilang host ng “PBB”.

“I’m so done with Toni Gonzaga. Konting delicadeza naman, Teddie. Did you forget na ABS-CBN ang nagpasikat sa iyo at sa kapatid mo? Sobra ka na. You can be a Dutertard or a Marcos apologist. That’s fine. That’s on you. Pero like I said, konting delicadeza naman.”

“If management is listening, pwede bang i-evict na si Toni sa PBB? Now na? ABS-CBN gives this creature a platform, and she turns around and does things like this. Nakakabastos talaga sa lahat ng apektado nitong shutdown.”

‘I think she knew this would happen, but she chose to support BBM. It’s just unfortunate that she was working for a network that does not share the same political views as her. We love you, Toni G. Don’t be afraid to be canceled by the minority.”

“Ok lang yan sabi nga eh pag may nagsara may bubukas.so nawala siya sa Pbb there is more better na darating kay toni.”

May point naman ang isang FB user sa pagtatanggol niya sa misis ni Paul Soriano, “Ang pagcancel nila kay Toni G. hindi kawalan ni BBM dahil mga kakampinks naman talaga sila. May AMBS naman na pwede niyang lipatan at doon siya mag host ng programa na ‘The Polical Candidates Big Loser’.

“Just because your political bias is not her bias doesn’t mean you are in the position to cancel her. Let people choose who to support and who to vote.

“You may cancel Toni Gonzaga several times, but you can’t still drag her down because what makes her stand out is her family. You are just making her more popular. SHE’S NOT TONI GONZAGA FOR NOTHING! #STOPCancelCulture,” sabi pa nito.


Ito pa ang ilang mensahe ng mga kumampi sa TV host.

“Ngayon pa na nakuha na ng AMBS and lahat ng frequency ng ABS, di na nya kawalan ang big network. kung umalis sya sa PBB ,ok lng dhl di narin naman katulad ng PBB dati dhl wLa na sila sa Free TV.”

“Its OK toni. Mas maraming pilipino nagmamahl xa sau. Dhil meron kng paninindign. My mgndng aportunity na dadating sau.”

Nag-post din ang OPM singer na si Jimmy Bondoc sa kanyang FB page tungkol dito. Aniya, “Nabalitaan ko lang na si Toni Gonzaga, noong unang taon ng pandemya, ay ibinigay ang kanyang buong TALENT FEE sa mga displaced workers ng network.

“Ngayon naman, ‘walang utang na loob’ na ang tawag sa kanya ng madami..My post is not about politics. Not even about Toni, who is a wonderful lady.

“This post is about the world, and how good things are easily forgotten. But who cares? For in the end, it is between you and your God,” ang sabi pa ng singer.

https://bandera.inquirer.net/288306/toni-gonzaga-sa-pagpasok-sa-mundo-ng-politika-never-say-never

https://bandera.inquirer.net/282206/jennica-garcia-may-third-eye-namana-sa-kanyang-yumaong-lola

https://bandera.inquirer.net/286700/basher-ni-sanya-sunog-kay-kakai-kung-ayaw-nyo-sa-kanya-idulog-nyo-yan-sa-barangay

Read more...