‘Derek-Ellen karga challenge’ patok na patok sa socmed; mga magdyowa kumasa sa hamon

Derek Ramsay at Ellen Adarna

HOT topic na naman sa social media ang mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay matapos  mag-viral ang bago nilang buwis-buhay stunt.

Patok na patok ngayon sa mga netizens ang latest paandar ng celebrity couple sa Instagram na kuha sa anniversary celebration nila sa isang beach sa Pangasinan.

Sa ibinahagi nilang litrato makikita si Derek na buhat-buhat si Ellen habang nakadiretso pahalang ang kanyang dalawang kamay at braso. Kitang-kita rito ang super hunky body ng aktor na umani rin ng papuri sa mga fans.

Ito’y habang nakaposisyon nga ang kanyang misis sa braso at balikat ni Derek na halatang enjoy na enjoy sa pinaggagawa nilang mag-asawa.


In fairness, pinusuan at libu-libong likes at comments ang nakuha ng Instagram photo nina Ellen at Derek. At bukod diyan, nag-viral pa nga ang stunt ng showbiz couple hanggang sa tinawag na itong “Derek-Ellen karga challenge.”

Tawa kami nang tawa sa iba’t ibang style at gimik ng mga magdyowang kumasa sa nasabing challenge, lalo na yung mga totoong buwis-buhay stunt ng mga lalaking may “plus size” na partner.

May mga netizens pa ngang sumabak sa “Derek-Ellen karga challenge” na talagang gumora pa sa beach para mas maging plakado ang kanilang mga pasabog na photo. 

Nagpakasal sina Derek at Ellen noong Nov. 11, 2021 makalipas lamang ang siyam na buwang relasyon. 

Nag-propose ang aktor sa dating sexy actress noong March 30, 2021, after almost two months ng pagiging magdyowa. 

https://bandera.inquirer.net/282278/mga-alaala-nagbalik-sa-pagbisita-ni-alice-dixson-sa-niagara-falls

https://bandera.inquirer.net/283843/jolina-bad-trip-nga-ba-sa-gumawa-ng-viral-fb-page-na-jolegend-slaydangal
https://bandera.inquirer.net/281116/na-pressure-nga-lang-ba-si-derek-na-mag-propose-agad-kay-ellen

Read more...