Jodi Sta. Maria
ISA sa pinakamasakit na naranasan ni Jodi Sta. Maria sa buhay ay ang pagkasira ng kanyang married life 10 taon na ang nakararaan.
Kaya naman medyo naging challenge sa kanya ang gumanap bilang Dr. Jill Illustre sa Kapamilya drama series na “The Broken Marriage Vow” na nasira rin ang pamilya dahil sa pangangaliwa ng kanyang asawa sa kuwento played by Zanjoe Marudo.
Hindi man ganu’n ang naging sitwasyon ng pagsasama nina Jodi at Pampi Lacson sa tunay na buhay, may pagkakapareho pa rin daw ito sa naging past life niya, lalo na ang pagkakaroon din nila ng isang anak na lalaki.
“Hindi naman kaila sa lahat na I am separated, na ‘Broken Marriage Vow’ din talaga ako in real life.
“It is something na nangyari sa life ko na masasabi ko na isa sa pinaka-painful. Hindi ka naman papasok sa isang commitment or isang covenant para lang masira,” pahayag ni Jodi sa vlog ni Karen Davila.
Patuloy pang kuwento ng aktres, “During that time when my marriage did not work out, I felt like I was the biggest failure or the biggest joke. Ganu’n ‘yung pakiramdam ko.
“Nagkaroon ako ng feeling of shame, of guilt na shocks, nakakahiya. Hindi ko naayos. Hindi ko nabigyan si Thirdy ng buong pamilya. Anong gagawin ko?” chika pa ng single mom.
At para makalimot at makatakas sa takot at pressure, nakipag-party-party raw siya sa mga kaibigan, “I needed distraction. I remember it was also during that time that I did a lot of partying just to drown lang all the pain and just to forget.
“But then, pagkagising mo the following day, masakit na nga ‘yung puso mo, masakit pa ‘yung ulo mo sa hangover,” pag-amin ni Jodi.
Nu’ng panahon ding yun, nagsunud-sunod din ang kanyang trabaho, “So nakahanap na naman ako ng distraction. May trabaho ako so hindi ko maiisip ‘yung mga bagay na mga nangyayari sa akin at home.”
Pero sa lahat ng kanyang pinagdaanan, paano niya napagtagumpayan ang matitinding challenges na dumaan sa kanyang buhay.
“At first naman, I wouldn’t say naman talaga na after the separation, ‘Sige na, let’s be friends.’ Walang ganu’n. Siyempre a heartbreak is a heartbreak.
“You will have to go through all these feelings of grief and loss and it will never be easy.
“But I guess darating ka sa time na maiisip mo, ano ba ang mas importante, ‘yung nararamdaman ko every day na ganito na punong puno ng anger and resentment ‘yung heart ko, or does my soul deserve peace?
“At that time also, naawa din talaga ako sa anak ko. Naipit talaga siya sa dalawang nag-uumpugang bato. Hindi na nga namin siya nabigyan ng pamilyang buo, iipitin pa ba namin siya sa gulo namin because hindi kami magkasundo?” pahayag pa ni Jodi.
https://bandera.inquirer.net/305066/jodi-10-years-bago-nahanap-ang-tunay-na-ama-but-he-was-long-gone-na-he-passed-away-2001
https://bandera.inquirer.net/303738/parang-tatay-ko-na-talaga-si-kuya-zanjoe-at-feel-na-feel-ko-na-nanay-ko-si-mama-jodi
https://bandera.inquirer.net/302962/jodi-may-natutunan-sa-karakter-bilang-dra-jill-ilustre-there-is-always-a-life-after-a-heartbreak