Kyline rumesbak sa mga bashers na nagsabing hindi siya marunong umarte

Mavy Legaspi at Kyline Alcantara

INALMAHAN ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara ang ilang mean comments sa kanya ng haters, lalo na ang mga nagsasabing hindi siya marunong umarte.

Sa latest vlog ng dalaga, isa-isa niyang binasa ang mga hate message ng netizens pati na ang ilang articles patungkol sa kanya. 

Ayon kay Kyline, dedma na siya sa mga kanegahang ibinabato ng bashers at bullies sa social media pero hindi niya pinalampas ang mga komento ng ilang haters na wala naman siyang binatbat pagdating sa aktingan.

Depensa ni Kyline, “During heavy dramas, wala po talaga akong pake sa mukha ko, as in, wala talaga akong pake. It’s not about how I look, it’s about how I feel. 

“As long as maramdaman ng audience ‘yung nararamdaman ng character ko at that moment in time, okay na po sa akin ‘yun,” ang simulang pagtatanggol ni Kyline sa sarili.

“Wala po talaga akong pake kung pangit po talaga ako (habang nagdadrama with crying scenes),” dagdag ng dalaga.

Aniya pa, marami naman daw siyang nakakatrabaho sa showbiz, kabilang na ang mga veteran stars, na nagsasabing marunong siyang umarte at nabibigyan talaga ng hustisya ang bawat karakter na ginagampanan niya.

“Most naman po na nakakatrabaho ko, sinasabi naman po nila na marunong akong umarte. Oh, I don’t need to prove myself,” aniya pa.

Kasunod nito, inamin din ni Kyline na bata pa lang ay nakakatanggap na siya ng hate messages mula sa bashers dahil sa pagiging kontrabida niya noon sa ilang TV shows.

“Nag-start po kasi ako bilang kontrabida sa ‘Annaliza,’ so at the very young age nakatanggap agad ako ng hatred and hindi ko siyempre noon naiintindihan pa,” paliwanag ng aktres.


Samantala, sa vlog naman ni Bea Alonzo sa YouTube, natanong ang Kapuso actress kung anong concept o genre ang gusto niya sakaling bigyan sila ng project ng Kapuso love team na sina Kyline at Mavy Legaspi.

Ang dalawang Kapuso youngstars kasi ang guest ni Bea sa nasabing video kung saan kitang-kita ang kilig ng award-winning actress sa magka-love team.

Ani Bea, “Maybe something fun like a comedy or something. Puwede rin horror.” 

https://bandera.inquirer.net/283203/kobe-paras-umaming-inatake-ng-depresyon-andre-may-bwelta-sa-haters

https://bandera.inquirer.net/295519/sharon-cuneta-sa-nagsasabing-nang-agaw-sila-ng-camapaign-color-go-find-your-own-color

https://bandera.inquirer.net/299595/mega-kay-vp-leni-sana-bumalik-iyong-kilala-kong-pinas-yung-mga-kababayan-kong-marunong-makisama-at-rumespeto

Read more...