Diego tikom pa rin ang bibig sa break-up nila ni Barbie; US trip malaking tulong sa mental health

Barbie Imperial, Diego Loyzaga, Louise delos Reyes at Cara Gonzales

SA muling pagharap ni Diego Loyzaga sa mga miyembro ng entertainment media kahapon, marami ang umasa na baka magsalita na ang binata tungkol sa paghihiwalay nila ni Barbie Imperial.

Ngunit natapos at natapos ang online presscon para sa bagong hugot movie ni Diego under Viva Films na “The Wife”, ay hindi nagbigay ng kahit anong pahayag tungkol kay Barbie.

Wala rin naman kasing naglakas-loob mula sa mga inimbitang press ang diretsahang nagtanong kay Diego tungkol sa break-up nila ng Kapamilya actress.

Pero nagbigay naman ng ilang detalye ang aktor tungkol sa pagbabakasyon niya sa Amerika at sinagot ang tanong kung may mga bago pa siyang discoveries sa kanyang sarili.

Ayon kay Diego, hindi naman daw matatawag na “soul-searching” ang ginawa niya sa Amerika at hindi rin naman siya palaging nagsosolo sa paglilibot sa iba’t ibang lugar sa US.

Pahayag ng binata, “Discoveries? I always believe that when we take time off for yourself…well, actually, it’s something I discovered noong 2018, I took time off for myself, that when you take time off, you answer a lot of questions that you don’t get from certain people or certain situations.

“And when you’re by yourself, parang nasasagot mo rin siya. Honestly, I haven’t been alone the entire time, obviously, and I ve been travelling a lot like and it’s so therapeutic, just driving on the road late at night and flying from place to place,” pahayag pa ni Diego.

Pero, nakiusap siya na huwag nang magdetalye sa mga bagong nadiskubre niya sa sarili, “I’d like to keep what I’ve learned about myself to myself.”

Diin pa niya, “But I can definitely say that take time off if needed. Discover something about yourself or get these questions that you’re looking for.

“It’s for your mental health or it’s not something that’s OA or too much to ask. I think everyone should do that for themselves if needed, if they really need to,” dagdag pa ng leading man ni Louise delos Reyes sa Vivamax original movie na “The Wife.” 

Dugtong pa niyang pagpapaliwanag, “And what I’ve learned, I’ll keep to myself. Like what said, what I’ve discovered again this time around to myself, but it definitely does help.

“Being far away from my situation, seeing it in a different way, it just gives so much more color to what’s happening and it’s nice.

“It’s good to have time to yourself. It was a busy year last year so it was a nice holiday,” chika pa ni Diego.

Matatandaang pumutok ang balitang hiwalay na sina Barbie at Diego ilang araw lamang matapos nilang ipagdiwang ang kanilang unang anibersaryo noong Dec. 11, 2021.

Samantala, mapapanood na ang “The Wife” na idinirek ni Denise O’Hara, sa Vivamax simula sa Feb. 11 kung saan makakasama rin nina Diego at Louise ang palabang sexy star na si Cara Gonzales.

Iikot ang kuwento ng movie sa mag-asawang sina Mara (Louise) at Cris (Diego) na masisira ang pagsasama matapos pumatol ang huli sa dating dyowa na si Lee (Cara Gonzales).

At habang nagsisikap ang mag-asawang maiayos ang kanilang nasirang relasyon, si Cris naman ay natuklasang may cancer. 

Hanggang saan dapat ipaglaban ang pagsasama ng mag-asawa sa kabila ng pagtataksil? At sa matapat na pagtupad sa sinumpaang magsasama sa sakit man o kalusugan, paanong tatanggapin ng asawa ang huling hiling na may kaugnayan sa naging babae ng kanyang mister?

https://bandera.inquirer.net/298864/minsan-nagkakapikunan-din-kami-ni-diego-mapang-asar-kasi-siya

https://bandera.inquirer.net/303964/diego-loyzaga-barbie-imperial-hiwalay-na-sey-ng-source-ni-ogie-diaz

https://bandera.inquirer.net/293131/lj-unti-unti-nang-nakaka-recover-sa-break-up-nila-ni-paolo-kumapit-sa-pangaral-ng-pastor

Read more...