Neri niregaluhan ng ‘yate’ si Chito: Pinalaking speed boat lang, pero may bedroom, mini sala at banyo

Chito Miranda at Neri Naig

ANG tarush ng birthday gift ni Neri Miranda para sa asawang si Chito Miranda, ang frontman ng Parokya ni Edgar.

Isang “yate” lang naman ang ibinigay ng aktres sa singer at composer bilang pasorpresa niya sa kanyang mister.

Base ito sa larawang ipinost sa Instagram ng wais na misis ni Chito na kuha sa harap ng bago nilang yate.

Ang caption ni Neri sa kanyang IG post ay, “Happpppy birthday, baby ko! Surpriiiise!

“May maliit na kaming yate. Parang pinalaking speed boat lang, pero may bedroom, mini sala, at banyo hehe!

“Tamang tambay lang sa dagat with our family and friends. Maganda rin mag-fishing kasi mahilig kami mag-fishing!” ang mensahe pa ng negosyanteng aktres.

Pagpapatuloy pa niya, “Syempre bilang wais na misis, ipapa rent din namin to soon! Para makabawi-bawi naman kahit paano. hahaha! Buti nalang may mga business partners ako dito. hehe!

“Anong name ng yate? Syempre, “Margarita”! Since hindi girl ang naging baby namin, dito na lang namin ipinangalan, hehe!

“Follow @margaritayacht para malaman nyo soon kung kailan pwede nang i-rent. 

“Stay kayo sa @mirandasbeachcondo tapos rent kayo sa @margaritayacht para mas masaya ang vacation nyo sa dagat. Wala pa kaming jetski, pero balak ko na rin pag-ipunan. Next time muna…sagad na bulsa ko,” sabi pa niya.


Binati naman si Neri ng mga kaibigan nila ni Chito sa showbiz.

Nanguna na ang aktor na si Hero Angeles, “HBD @chitomirandajr at hello Margarita!”

Sinundan ito ng asawa ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez, “Parang hometown cha cha kayo hehehehehe.”

Nagkomento rin ang aktres at kaibigan ni Neri na si Melissa Ricks “Wowww.”

Sabi naman ng panganay ni Aga Muhlach na si Luigi Muhlach,  “Ayaaaan! Haha kitakits sa dagat.”
Maraming netizens din ang nagulat at napa-sana all sa ibinigay na regalo ni Neri sa kanyang asawa. 

https://bandera.inquirer.net/290192/chito-muling-pinuri-ang-asawa-napakaganda-ni-neri-medyo-weird-pero-sobrang-bait

https://bandera.inquirer.net/281494/bakit-nga-ba-nawala-si-chito-at-ini-report-sa-pulis-ng-pamilya-at-mga-kaibigan-noong-2010

https://bandera.inquirer.net/296713/neri-may-nakakalokang-kuwento-nang-mag-dinner-date-sila-ng-asawa-haaaaaay-chito-classic-ka-talaga

Read more...