Oyo Sotto umamin: Ang sama kong tao noon, nagpaka-wild ako, as in pakawala talaga

Kristine Hermosa at Oyo Sotto

MATAPANG na inamin ng Kapuso actor na si Oyo Sotto na totoong nagpaka-wild siya noong kabataan niya at talagang marami siyang nasaktang tao.

Kuwento ng anak ni Bossing Vic Sotto, isa siyang “masamang tao” noong teenager pa lamang siya at maraming pagkakataon daw na maaari siyang mamatay dahil sa mga pinaggagawa niya.

Diretsahan din niyang inamin na nag-try din siyang gumamit ng droga ngunit hindi naman daw ito humantong sa punto na nagpakaadik siya.

“Ang kulit ko din talaga nu’n. Kumbaga, hindi man siguro naiintindihan ng mga tao pero ang sama kong tao sa totoo. Ang dami kong mga nasaktan. Ang dami kong inaway. 

“Kumbaga, ang hilig ko sa away dati eh. Sumubok ako ng mga droga, mga ganu’n. Alam mo yung talagang nagpaka-wild din talaga ko for a time in my life nu’ng teenager ako, nung high school. Talagang pakawala talaga. 

“Pakawala kung pakawala. Siyempre nu’ng mga time na yun walang Facebook, walang IG, so suwerte ko din pala nung ‘90s hindi na-re-record yung mga kabalbalan. Blessing din pala yun,” tuluy-tuloy na pahayag ni Oyo sa panayam ni Toni Gonzaga na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

“I tried so many bad things talaga na dapat hindi ko sinubukan. So nu’ng sabay na kami ni Tin nagtse-church, du’n ko na-realize na sobrang patient pala ng Panginoon sa akin. Ang daming times na puwede na ako mamatay nu’n, eh.

“Kasi uuwi ako lasing tapos hindi ko maaalala paano ako nakauwi. As in yung ganu’n. Hindi mo alam kung paano ka nakauwi,” pahayag pa ni Oyo.


Ayon pa sa aktor, wala talagang direksyon ang buhay niya noon hanggang sa dumating na nga sa buhay niya si Tintin at magdesisyon na mag-propose sa aktres kahit wala pang label ang relasyon nila.

“Wala, wala talaga (direksyon). Hindi ko nga nakikita sarili ko na mag-aasawa eh. Alam niya kasi nakikita niya at saka sinasabi ko sa kanya. 

“One thing na naniniwala ako is God really allows things to happen in your life so that matuto ka dun sa mga experiences mo. Na makita mo na all the while pala nandun lang Siya sa tabi mo. 

“Ako lang yung layo nang layo sa Kanya, pero yung buong time na yun na nagloloko ako, naglalasing ako, nagda-drugs ako, nandu’n lang pala Siya. Hindi Niya ako pinababayaan. Ako lang yung laging lumalayo.

“Hindi pa yata alam ng mga tao ‘to eh, yung time na binili ko yung engagement ring ni Tin, yun na yung huling pera ko. Zero na. Sabi ko bahala na. 

“Naalala ko pa nga nu’n eh, tinatanong ako ni Daddy (Bossing Vic), sabi niya, ‘Saan kayo titira?’ Sabi ko, ‘Mag-re-rent muna kami, Dad.’

“Sabi niya, ‘Sigurado ka? May pang renta ka ba?’ Ginaganu’n pa ako. Pero in a patawa na way. Si daddy ganu’n naman siya,” natatawa pang kuwento ng mister ni Kristine.

https://bandera.inquirer.net/304886/oyo-loyal-na-loyal-kay-kristine-kung-wala-si-god-malamang-nagloko-na-ko-may-anak-na-sa-ibang-babae

https://bandera.inquirer.net/296124/oyo-sinunod-ang-payo-ni-bossing-nung-kasal-nila-ni-kristine-wag-mo-lang-ako-gagayahin-okay-ka-na

https://bandera.inquirer.net/283052/kristine-kumasa-sa-bagong-challenge-may-pa-tribute-kay-oyo-at-sa-4-na-anak

Read more...