Payo ni Mark Anthony kay Grae: Huwag ‘magpapatalo’ sa babae: Baka inaalipin o ginagamit lang siya

Mark Anthony at Grae Fernandez

KUNG ano ang mga itinuro sa kanya ng yumaong amang si Rudy Fernandez, yun din ang mga ibinabahagi ni Mark Anthony Fernandez sa kanyang mga anak.

Ayon sa bida ng Vivamax original movie na “Deception” kung saan kasama niya ang dating girlfriend na si Claudine Barretto, marami siyang ipinababaong aral sa mga anak, lalo na kay Grae Fernandez na gumagawa na rin ng sariling pangalan ngayon sa showbiz.

Sabi ng aktor sa nakaraang virtual mediacon ng “Deception” na napapanood na ngayon sa streaming app na Vivamax, nagpapasalamat siya sa kanyang estranged wife na si Melissa Garcia dahil sa magandang pagpapalaki nito kay Grae.

“Sobrang suwerte ko na yung mama ni Grae, napakatalino, mabait. I think lahat yun mapa-pass down sa kanya,” sey ni Mark na ikinasal kay Melissa noong 2006, pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama taong 2016.

“Ang dami ko ring ikinukuwento kay Grae. Yung ibang mga libro binibigay ko sa kanya, pinapaaral ko, yung wisdom du’n niya kukunin. Kung ano ang nasabi sa akin ng papa ko, I think nasabi ko na rin sa kanya. Yung paborito ko, ‘patience is a virtue,'” dagdag pang pahayag ng aktor.

Samantala, natanong din si Mark kung ano ang palagi niyang ipinapayo kay Grae tungkol sa usaping lovelife? “Sa love? May nasabi ako sa kanya dati. Sabi ko sa kanya, ‘Huwag kang magpapatalo sa babae.’


“Kaya lang, baka mali ang naging dating sa kanya. Huwag kang magpapatalo, in a sense na, if a person treats you as an option, not a priority, huwag mong gawin priority ang tao na iyan.

“Yun ang gusto kong sabihin sa kanya. I think that’s the best word. Huwag magpapatalo kasi baka inaalipin lang siya o ginagamit lang siya. Huwag. Huwag siyang magpapatalo sa ganu’n,” paglilinaw ng aktor.

Umaasa rin daw siya na isang araw ay magkakasama rin sila ng anak sa isang project, “Honored ako sa anak ko na nag-aartista, naka-penetrate siya, at magandang lalake siya.

“Honored ako sa kanya talaga, sana magkasama kami. Agree ako ako dun na magkasama kami sa pelikula man o sa TV,” sabi pa ng proud tatay ni Grae.

Kasunod nito, nabanggit nga ni Mark ang mga life lesson na naibahagi sa kanya ng yumaong ama na talagang nagagamit niya ngayong nagbabalik uli siya sa showbiz.

“Yung tatay ko, nagbilin sa akin, lahat yun, ‘Mahalin mo ang trabaho mo, mamahalin ka rin ng trabaho mo.’

“Yung akin naman, personal synopsis du’n, minsan hinahangaan mo yung tao, iniidolo mo yung tao, sobrang kahit ano ang ginagawa niya, gagawin mo, e.

“Ang isang natutunan ko na maganda palang gawin pag hinahangaan mo ang tao, example, artista ang hinahangaan mo, ang kokopyahin mo sa kanya yung mismong proyekto lang niya. Huwag yung offscreen, yung mali niya,” paliwanag ni Mark.

https://bandera.inquirer.net/280071/mark-anthony-gustong-bumida-sa-life-story-ni-gringo-honasan-pinayuhan-ang-anak-na-si-grae

https://bandera.inquirer.net/303862/mark-anthony-binigyan-ng-expiration-date-ang-posibleng-pagbabalikan-nila-ni-claudine-pag-lumagpas-ng-4-years-wala-na
https://bandera.inquirer.net/302751/mark-umaming-love-pa-rin-si-claudine-bet-uling-manligaw-hindi-pa-naman-huli-ang-lahat

Read more...