Oyo loyal na loyal kay Kristine: Kung wala si God, malamang nagloko na ‘ko, may anak na sa ibang babae

Oyo Sotto at Kristine Hermosa

ANO nga bang sikreto sa tahimik at solid na pagsasama nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa na 11 years na ngayong nagsasama bilang mag-asawa?

In fairness, talagang napanatili nilang pribado at matatag ang kanilang married life sa kabila ng pagiging kilalang mga celebrity sa mundo ng entertainment industry.

Malaking factor dito ang pagtigil ni Kristine sa pag-aartista para maging full-time wife and mother sa limang anak nila ni Oyo — sina  Ondrea, Kristian Daniel, Kaleb, Marvin at Vittorio Isaac.

Ayon sa mag-asawa, isa sa mga sikreto sa maayos at matatag nilang pagsasama ay ang  Panginoong Diyos na siyang sentro ng kanilang mundo as married couple.

“Kung wala si God, malamang ‘di na kami umabot ng isang taon, malamang nagloko na ako, may anak sa ibang babae. Si God lang talaga. Kailangan siya yung sentro,” ani Oyo sa interview ni Toni Gonzaga-Soriano na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

“Hindi naman araw-araw mahal mo yung asawa mo. Naniniwala talaga ako na ang love, hindi feelings. You shouldn’t base it on feelings kasi nagbabago e,” sey pa ng aktor.

Sabi naman ni Kristine, “Love is a decision naman talaga. It’s a commitment. Hindi naman talaga everyday nakakatuwa ‘yung ugali niya. It’s a choice.

“Ang sa akin kasi, I shouldn’t doubt God na ito ‘yung taong binigay niya sa’kin. It’s like questioning him kung nagreklamo ako. ‘God, ikaw na ang bahala sa kanya. Basta ako, didiretso ako sa ‘yo,’” aniya pa.


Sa nasabi ring vlog, naikuwento nina Tintin at Oyo ang tungkol sa nakakaloka nilang engagement. Nag-propose kasi ang aktor kahit hindi pa sila opisyal na magdyowa ni Kristine.

Talaga raw nagtatakbo at nagtago pa ang aktres nang yayain na siyang magpakasal ni Oyo dahil sa matinding takot. Pero sa kabila nito, nag-yes pa rin si Tintin at wala raw  siyang pinagsisisihan sa naging desisyon niya.

Nagpakasal naman ang dalawa noong 2011 at kaka-celebrate lang nila ng kanilang 11th wedding anniversary.

https://bandera.inquirer.net/283052/kristine-kumasa-sa-bagong-challenge-may-pa-tribute-kay-oyo-at-sa-4-na-anak

https://bandera.inquirer.net/292705/oyo-boy-ibinandera-ang-pagmamahal-kay-kristine

https://bandera.inquirer.net/302870/kristine-kay-oyo-gwapo-ka-sa-lahat-ang-sarap-mong-kasama-sa-buhay-i-love-you-so-much

Read more...