Julius Babao
INAMIN ng broadcast journalist na si Julius Babao na naiisip din niya kung anong mangyayari sakaling pasukin din niya in the future ang mundo ng politika.
Magpapakaipokrito raw siya kung sasabihin niyang never sumagi sa isip niya ang umentra sa public service pero sa ngayon daw ay walang-wala sa isip at puso niya ang pumasok sa politics.
Sa pagharap ni Julius sa members ng entertainment press para sa pagiging bagong news anchor ng news program ng TV5 na “Frontline Pilipinas”, sinagot niya ang tanong kung nai-imagine ba niya ang sarili na nasa politika.
Ang original kasing anchor ng “FP” na si Raffy Tulfo ay nawala nga sa programa dahil sa pagtakbo bilang senador sa darating na 2022 elections.
“May mga nag-alok na in the past (tumakbo) pero hindi ko naman talaga ine-entertain. Kasi, hindi ko talaga… parang hindi ko feel na pasukin ang politika talaga, e. Although it has crossed my mind, I must admit, pero hindi ko talaga sineryoso.
“Feeling ko kasi, once na pumasok ka na sa pulitika, medyo maaapektuhan na yung pagiging isa mong journalist.
“And ang talagang tingin ko sa sarili ko is journalist talaga ako, e, more than a politician, na possibility na ganun, ‘no?
“Journalist talaga ako and ayokong iwan yung profession na pinasok ko, and I want to be here for the longest time hanggang sa mag-retire ako,” paliwanag ni Julius.
Pag-amin pa ng dating Kapamilya anchor, “And magpapakaipokrito naman ako kung sasabihin ko na isinasara ko ang pinto ko forever. Hindi naman siguro.
“But if ever siguro that time comes, which I don’t see right now, is dapat hindi na ako connected sa kahit anong trabaho na may kinalaman sa journalism, ‘no?
“Kinakailangan, independent na ako. So, yun ang mangyayari diyan. Once pinasok mo ang politics, that’s it! You go politics all the way!
“But right now, hindi ko iniisip iyan. It never entered my mind na i-give up ko yung pagiging journalist para maging isang pulitiko,” katwiran pa ni Julius.
Samantala, nagkuwento rin ang mister ni Christine Bersola kung anu-ano ang mga ginawa niya noong naghihintay pa lamang siya sa pagsisimula ng pagsalang niya sa “Frontline Pilipinas”.
Bukod sa pagwo-workout, “In-allot ko yung time ko talaga para makapag-relax, makapag-bonding with my family.
“Kasi, alam ko na darating yung panahon na mas magiging busy ako. So, hindi ko na masyadong makakasama yung mga anak ko on weekdays.
“Kaya sinamantala ko talaga yung pagkakataon na makasama sila sa buong buwan na wala akong ginagawa masyado, aside from vlogging, ha! Nakakasingit naman ako paminsan-minsan, nakakapag-vlog ako sa aking YouTube channel,” sabi pa niya.
Makaka-tandem niya sa “Frontline Pilipinas” si Cheryl Cosim na dati ring taga-ABS-CBN, “You know, madali for me. Kasi, itong mga nakakausap ko na mga tao dito sa TV5 are people I’ve worked with in the past. Kaya hindi na ako naiilang.
“Wala akong parang feeling na kinakabahan ako, na ninenerbiyos ako kung anong makikita ko rito at makakausap ko rito.
“Absolutely none! Kasi nga, marami sa kanila ang mga kaibigan ko na even before,” pahayag pa ni Julius Babao.
https://bandera.inquirer.net/301867/julius-babao-nagpaalam-na-sa-abs-cbn-papalitan-daw-si-raffy-tulfo-sa-news-program-ng-tv5
https://bandera.inquirer.net/304716/julius-babao-lumipat-sa-tv5-hindi-dahil-sa-malaking-telent-fee-its-not-about-money
https://bandera.inquirer.net/299213/christine-julius-negative-sa-cancer-early-detection-is-the-key-praise-god