Salamat at paalam, Nora Daza

Noong Biyernes ay sumakabilang-buhay si Nora Daza, ang isa sa mga haligi ng Gastronomiyang Pilipino. Siya ay 84 taong gulang. Naiwan ni Gng. Daza ang kanyang mga anak na sina Bong, Sandy, Mariles Enriquez, Stella Belda at Nina Daza-Puyat; at mga apo na sina Arturo Daza, Ali Daza, Joseph Puyat, Gio Puyat, Billie Puyat, Mario Puyat, Bolo Belda, Franco Daza, Bettina Belda, Toby Belda, Danielle Daza, Isabel Daza, Ava Daza, Raphael Daza, Eduardo Taylor at Rodrigo Enriquez.

Natutuhan ni Gng. Daza ang kaalaman sa pagluluto mula sa kanyang lola, si Doña Crescencia Reyes de Villanueva. Subalit ang kanyang hilig sa pagluluto ay hindi lamang para sa praktikal na kapakanan.

Hinahanap niya ang mas malalim na adhikain—hindi lamang ang matutuhan ang pagluto ng adobo ng kanyang lola at ina, ang pagbe-bake at paggawa ng iba’t ibang klaseng cakes.

Buo ang kanyang isipan at ang simbuyo ng kanyang damdamin sa pagluluto ay ginatungan ng ambisyon at matiyagang pagpupursige upang maperpekto lamang ang kaniyang kasanayan at maging espesiyalista sa larangan ng pagkain at pagpapatakbo ng restaurant.

Si Gng. Daza ay nagtapos ng Bachelor’s Degree sa Home Economics o Karunungang Pangtahanan, mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Kalaunan, kanyang pinursige ang Master of  Science degree sa Restaurant at Institutional Management mula sa Cornell University ng New York, kung saan naging kasapi siya ng grupong Phi Phi Kappa.

Ang isang di-malilimutang bahagi ng kanyang paglalakbay ay ang kanyang gawain sa Liberty Commodities Corporation bilang Maya Kitchen consultant, teacher at mentor.

Nang bumalik sa Pilipinas si Gng. Daza mula sa Estados Unidos, sa pamamagitan ng Maya Test Kitchen, malaki ang kaniyang naiambag upang mapagalaw ang mga hanay ng mga produkto mula sa Liberty Commodities Corporation.

Inikot din niya ang buong bansa upang magturo ng baking at  magbigay ng iba’t-ibang cooking demonstrations. Kaya naman, mula pa noong dekada 80 ay namamayagpag na si Nora Daza bilang isa sa mga naunang chef na nagkaroon ng programa sa telebisyon na pinamagatang, “Cooking It Up with Nora,” kung saan ay lubusan siyang nakilala ng madla.

Nagkaroon din diya ng palatuntunan sa Radyo na pinamagatang  “At Home with Nora.” Hindi mo maaaring ihalindulad si Gng. Daza sa kahit kanino lamang.

Siya ay may likas na kagandahan, talino, at biniyayaan ng talino at lakas ng loob sa pagtatag ng Filipino restaurant sa Paris, na tinawag na Aux Iles Philippines, at Au Bon Vivant,  isang French restaurant naman sa Kamaynilaan, noong dekada 70.

(Editor: May tanong, reaksyon o komento ka ba sa artikulong ito?  May nais ba kayong ipasulat o ipatalakay sa Bandera?  I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374)

Home Cooked food ni Sandy Daza sa Maya Kitchen
Ang dalawang resipe na featured ngayong araw na ito ay dinevelop ni Sandy Daza, ang anak ni Nora Daza. Ito ay unang prinesent sa Maya Kitchen.
Kung may mga tanong tungkol sa resiping ito, mag-email sa mailcontactus@themayakitchen.com. O di kaya ay malog-on sa www.themayakitchen.com

 SHRIMP PUTANESCA
¼ cup olive oil
3 tablespoons chopped garlic
¾ cup chopped onions
6 anchovies filets / ¼ kilo shrimp, shelled
1 tablespoon Italian seasoning
2 chicken cubes
2 14 ounce cans, canned chopped tomatoes
¾ cup olives
1/2 cup capers
½ teaspoon crushed red pepper
1 teaspoon salt
parmesan cheese
300 grams spaghetti noodles, cooked according to package directions

Sauté garlic and onions in olive oil. Add anchovies & shrimp and simmer. Add the Italian seasoning, chicken cubes, canned tomatoes and capers. Taste and season if needed. Add olives last. Mix pasta in and toss well. Serve with toasted bread.

COQ AU VIN
8 pieces chicken thighs
1 cup MAYA All-Purpose Flour
1 teaspoon salt
½ cup oil
3 teaspoons oil
½ cup chopped bacon
2 tablespoons chopped garlic
1/3 cup chopped onions
1/3 cup chopped carrots
1/3 cup chopped celery
1 chicken cube
2 cup red wine
1 cup chicken broth
1 teaspoon salt
1 cup cubed potatoes

In a skillet, combine flour, salt and pepper. Coat each chicken in flour mixture. Brown both sides in oil. Set aside.
In another skillet, sauté bacon until a bit toasted. Add in the garlic, onions, carrots and celery and stir fry until the veggies have sweat. Add the rest of the ingredients including the chicken and simmer until done. Around 20 minutes.

Read more...