Promise ni Ronnie: Wala na akong ibang hahanapin pa at wala akong balak pakawalan si Loisa!

Loisa Andalio at Ronnie Alonte

“ANG suwerte ko nga na nahanap ko ang taong tunay na mahal ko!” ang bahagi ng pahayag ng Kapamilya young actor na si Ronnie Alonte patungkol sa kanyang girlfriend na si Loisa Andalio.

Natanong kasi ang binata sa ginanap na online presscon ng bagong Kapamilya series na “The Goodbye Girl” kung naiisip ba niya na puwedeng mangyari sa relasyon nila ni Loisa ang mag-goodbye sa isa’t isa.

“Kuntento na kasi ako kay Loisa. Kaya mahirap sabihin, o gawin `yon, na magpaalam sa kanya. Wala na akong ibang hahanapin pa. Wala akong balak na pakawalan si Loisa,” paliwanag ng aktor.

Tungkol naman sa magiging selebrasyon nila ng Valentine sa Feb. 14, “Magdi-date talaga kami, kasi ang tagal na namin. Ang haba ng pinagsamahan namin, dumating na kami sa point na parang magkaibigan na kami, kasi kilala na namin ang isa’t isa.

“Ang Valentine ay isang beses lang sa isang taon, so ‘yun ang date namin na mag-boyfriend, girlfriend kami. Parang regalo namin sa sarili namin bilang magkarelasyon,” pahayag ni Ronnie. 

Limang taon nang magdyowa ang Kapamilya young couple kaya natanong din sila sa “The Goodbye Girl” mediacon kung paano nila mas napatatag at pina-solid ang kanilang relationship. 

“Hindi siya kailangan lang ng kilig, kailangan sweet. Ang daming kailangan para mag-work ‘yung relationship.

“Kailangan nagko-compromise rin kayo, honesty sa isa’t isa, respeto, walang itinatagong kasalanan. Basta gusto ninyong dalawa, magwo-work ang relasyon. Walang sakalan. ‘Oy, bawal ka mag-basketball.’ Walang ganoon,” sey pa ng dalaga.


Mariin ding sinabi ng aktres na kahit five years na sila ni Ronnie hindi pa rin niya masasabi kung ano ang mangyayari sa kanilang future.

“Ang hirap magsabi kasi hindi natin masabi ang future. Akala natin okay na pero hindi pa rin pala. ‘di ba? Mahirap, hindi ko masasabi ang future.

“Pero gusto ko, habang inaabot namin ni Ronnie ‘yung goal namin, ‘yung future na gusto namin, eh, ini-enjoy namin ‘yung life,” katwiran ni Loisa.

Bukod sa tambalang LoiNie, makakasama rin sa “The Goodbye Girl” sina Angelica Panganiban, RK Bagatsing, JC de Vera, Barbie Imperial, Elisse Joson, Maris Racal, Rico Blanco at Turs Daza.

Base ito sa librong isinulat ni Noreen Capili, sa direksyon ni Derick Cabrido mula sa Dreamscape Entertainment at Clever Minds.

Mapapanood ito sa Feb. 14 at may bagong episode kada araw sa iWantTFC app at website.

https://bandera.inquirer.net/289438/loisa-ronnie-may-plano-raw-lumipat-sa-gma-kid-yambao-payag-sa-indecent-proposal

https://bandera.inquirer.net/288335/ronnie-niregaluhan-ng-2-video-arcade-machine-ni-kris-nagpagawa-ng-man-cave-sa-bahay

https://bandera.inquirer.net/280894/ronnie-liang-2-beses-nabiktima-ng-budol-budol-libu-libong-piso-natangay

Read more...