Pia sa mga in-love pero ayaw umamin: Habang itinatago mo ang feelings mo, hindi mo malalaman ang answer…

Jeremy Jauncey at Pia Wurtzbach

NAGING instant love guru si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach nang magkaroon siya ng Q&A session sa kanyang Twitter account with her social media followers.

In fairness, may karapatan namang magbigay ng advice ang beauty queen-actress pagdating sa isyu ng pakikipagrelasyon dahil marami-rami na rin siyang maise-share tungkol dito.

At mukhang nakita na rin niya si “Mr. Right” at ang kanyang “forever” sa katauhan ng boyfriend niyang si Jeremy Jauncey na kitang-kita naman kung gaano siya kamahal.

Sa kanyang #AskPia session sa Twitter, isang netizen ang nagtanong kung ano ang masasabi niya sa mga taong gustung-gusto nang magtapat ng kanilang pag-ibig sa isang tao pero natatakot o nahihiya.

“Hi po Miss Pia, what can you say about confessing to someone? or being committed to someone? Hoooy curious lang ako okayt??? HAHAHAHA!” tanong ng nasabing Twitter user.

Ang reply sa kanya ni Pia, “Ang masasabi ko lang..if you really like the person, go for it. Kung hindi kayo para sa isa’t isa, at least makaka-move on ka na.

“Habang pinapatagal mo yung pagtago ng feelings mo, hindi mo malalaman yung answer. Made-delay lalo yung pagdating nung para sa ‘yo. Hehe,” payo pa ng beauty queen at TV host.

Ito naman ang question ng isa pa niyang follower, “Ano masasabi mo sa mga taong nahihirapan mag accept sa truth na need na nila mag let go, Queen P?”

“The longer you hold on to something that is not meant for you, the more difficult it will be for what’s yours to find you,” sagot ng dalaga.


“Eto pa queen hehe, What’s something you used to believe about relationships, but no longer do?” ang question ng isa pang netizen.

Diretsong reply ni Pia, “I used to believe that the man is the boss. Sobrang under ko (I was such an ‘under’) when I was in my early 20s. I’m glad its a balanced give and take now. My partner lets me be the alpha I am.”

Sigurado namang marami ang naka-relate sa naging sagot ni Pia sa nagtanong kung ano ang una niyang ginawa matapos ma-meet si Jeremy Jauncey for the first time.

“I checked his instagram and went ‘hmmm panget’… CHAROT lang! Hahahaha!” chika ng dalaga.

https://bandera.inquirer.net/279969/pia-wurtzbach-nagpakabaliw-dahil-sa-lalaki-kinalimutan-ang-pamilya-at-career

https://bandera.inquirer.net/301933/hugot-ni-pia-wurtzbach-sa-2022-time-is-non-refundable-we-need-to-use-it-wisely
https://bandera.inquirer.net/300144/pia-nagkaroon-ng-mental-health-problem-nang-manalo-sa-miss-universe-the-worry-was-louder-than-the-cheers

Read more...