Miss World PH 2nd Princess Janelle Lewis umaming dyowa na nga si Kiko Estrada: Patay tayo diyan!

Teejay Marquez, Kiko Estrada at Janelle Lewis

DIRETSAHANG inamin ni 2021 Miss World Philippines 2nd Princess  Janelle Lewis na boyfriend na niya ang Kapamilya actor na si Kiko Estrada.

Nakachikahan namin ang dalaga at baguhang aktres pagkatapos ng press screening ng pelikulang “Takas” kagabi na pinagbibidahan nila ng Kapuso actor na si Teejay Marquez. Ginanap ito sa Cinema ‘76 na matatagpuan sa Aurora Blvd., Quezon City.

Dito nga siya natanong kung totoong magdyowa na sila ni Kiko matapos kumalat ang kanilang litrato together na kuha sa ginawa nilang TikTok video.

“Patay tayo diyan…yes po. Na-caught off guard ako du’n, a!” ang tila nahihiya pang tugon ng beauty queen nang tanungin kung si Kiko mga ba ang tinutukoy niyang boyfriend.

Gaano na sila katagal? “A few months pa lang po kami. I won’t say how many na lang, para wala na pong isyu na lumabas na baka sabihing third party ako or anything.”

Mariin ding sinabi ni Janelle na walang ahasan o agawang nangyari dahil matagal na raw break sina Kiko at Heaven Peralejo bago pa sila pinagtagpo ng tadhana.

“They were finished a few months before I came in to the picture,” ang paglilinaw ng dalaga.
Naging close raw sila ni Kiko dahil pareho silang nasa pangangalaga ng management team ni Arnold Vegafria. 


Chika pa ni Janelle, hindi nila inaasahan na mabilis kakalat ang ginawa nilang TikTok video ni Kiko para sa selebrasyon ng kanyang kaarawan recently.

Nabanggit din niya na si Kiko ang unang celebrity na naging boyfriend niya at all-out daw ang suporta ng aktor sa pagpasok niya sa mundo ng showbiz.

“Minsan po it’s very intimidating, kasi siyempre he’s been in the industry about 10 years now.

“But he would also help somehow when it comes to the character. He would explain to me how you do this, how you do that, and how you would look more natural.

“I think, it’s kinda both. It’s very intimidating but at the same time it’s very helpful. Kasi he makes sure I get the character where I’m supposed to go,” aniya pa.

Nakiusap naman ang aktres na huwag nang magdetalye tungkol sa relasyon nila ni Kiko dahil nais daw nila itong gawing pribado sa ngayon.

Samantala, nagpakitang-gilas agad si Janelle sa unang movie niya, ang psychological suspense-thriller na “Takas” kung saan gumaganap siyang obsessed fan ni Teejay Marquez na isa namang sikat na sikat na matinee idol sa kuwento.

In fairness, bilang isang newcomer, pasado na ang ipinakitang akting ni Janella sa movie na siyang unang pelikula ng bagong film company na Handheld Entertainment Productions na pag-aari ng  negosyanteng si Kate Javier.

Bukod sa kanyang ganda at kaseksihan may ibubuga rin si Janella sa aktingan. At sigurado kami na kapag nabigyan pa ng magagandang proyekto ang beauty queen, tiyak na magmamarka rin siya sa publiko bilang isang aktres.

Ito’y sa direksyon ng indie actor na si Ray An Dulay at isinulat ng asawa niyang si Joyzell Regalario Dulay. Kasama rin dito sina David Chua, Rob Sy, Marvin Yap at John Lapus.

Mapapanood na ito sa Feb. 15 hanggang Feb. 19 via streaming sa KTX at RAD sa halagang P249.

https://bandera.inquirer.net/304544/teejay-marquez-pinahirapan-nang-bongga-sa-takas-gumapang-tumakbong-nakapaa-sa-gubat

https://bandera.inquirer.net/289959/sanaall-kiko-ibinandera-ang-paglalambing-sa-asawang-si-sharon

https://bandera.inquirer.net/294275/joey-marquez-2-beses-pinatay-sa-social-media

Read more...