True ba, may bagong dyowa na ang nakahiwalay na asawa ni Maggie Wilson?

Vic Consunji at Maggie Wilson

TRULILI kaya ang tsikang ang Chief of Marketing and PR ng kumpanyang Victor Consunji Development Corporation na si Lana Faith Johnson ang ipinalit ni Vic Consunji sa nakahiwalay na asawang si Maggie Wilson.

Sa isang event na dinaluhan ng advertisers at mga PR ay nabanggit ni Lana Faith ang maganda nilang relasyon ng estranged husband ni Maggie. Habang nag-iinuman ang grupo at nagkakasayahan ay ito ang ibinalita ng chief marketing at PR ni Vic kaya binati ng lahat ang dalaga.

“Sa isang party nakainom itong si Lana at sinabi niya sa friends niya na siya ang apple of the eye ngayon ni Vic. Actually, nakarating na ito kay Maggie, pero parang wala lang,” sabi ng aming source.

Mabilis namang pinag-usapan ito sa advertising industry kaya’t talk of the town ngayon sina Lana Faith at Vic sa mundong ginagalawan nila.

Sapantaha namin ay wala nang pakialamanan sina Maggie at Vic sa isa’t isa dahil Setyembre, 2021 pa  inanunsyo ng model-actress at negosyante ang paghihiwalay nila ng asawa pagkalipas ng 11 years of marriage. 

Sa kasalukuyan ay nasa El Nido, Palawan si Maggie kasama ang anak nila ni Vic si Connor para sa advance birthday celebration nito at base sa mga larawan nilang mag-ina sa Instagram ay ang saya-saya ng bagets.


Ang caption ni Maggie sa larawan nila ng anak, “The most beautiful things in life are not things. They’re people, places, memories and pictures. They’re feelings and moments, smiles and laughter.

“To those who know Connor, he loves the ocean, the beach, looking for ‘treasures’ such as rocks and shells in the sand and seeing new species of fish and coral in the sea.

“The other day he said that it was the best day ever. He also said that there is something more valuable than money and diamonds. I asked him, what? He said family and time and he is absolutely right.

“As he turns 10 years old next month, he is wise beyond his years and I couldn’t be any prouder to have him.

“Shout out to Kuya Omar, our tour guide, who took all of our photos!” sabi pa ni Maggie.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig nina Lana Faith at Vic tungkol sa isyu, agad naming ilalabas ang kanilang official statement.

Bakit nga ba biglang naghiwalay sina Maggie Wilson at Victor Consunji after 11 years?

Maggie Wilson malungkot ngayong Pasko: I was refused time with my son

Maggie Wilson, Victor Consunji hiwalay na makalipas ang 11 taong pagsasama bilang mag-asawa

Read more...