BTS member Jimin nag-positive sa COVID, inoperahan din dahil sa acute appendicitis

BTS Jimin

WALA nang dapat ipag-alala ang mga fans all over the universe ng super sikat na K-pop group na BTS lalo na ang supporters ni Jimin. 

Naalarma ang mga ARMYs nang malaman nilang tinamaan na rin ng COVID-19 ang isa pang member ng grupo na si Jimin kasabay ng matinding pananakit ng tiyan.

Sa official statement ni inilabas kahapon, Jan. 31, ng record label ng Korean pop idol na Big Hit Music, naka-experience raw ang binata ng “sudden abdominal pain along with a mild sore throat.” 

Agad naman daw nagtungo sa ospital si Jimin nitong nagdaang Sunday, Janm 30, kung saan sumailalim siya sa medical examination. 

At dito nga nalaman na positive siya sa COVID-19 matapos dumaan sa routinary RT-PCR test. 

Kasunod nito, nalaman din ng mga doktor na tumingin kay Jimin na meron siyang acute appendicitis kaya naman sumailalim din siya agad sa appendectomy base na rin sa advice ng kanyang doktor.

Sa ngayon, maayos na raw ang kalagayan ng Korean supeestar at kasalukuyan nang nagpapagaling at nagpapalakas matapos ang kanyang successful surgery.


Samantala, ayon pa rin sa Big Hit Music, “Jimin will be getting in-patient treatment for COVID-19 on top of his rest post-operation.

“He is currently experiencing a mild sore throat but is making a speedy recovery, and had no contact with the other members during the infectious stage.

“The company places the artists’ health as our top priority, and we will do everything we can to aid Jimin in his speedy recovery. 

“We will also diligently cooperate with the requests and guidelines of the health care authorities,” sabi pa ng management ng Korean idol.

Last December, nagpositibo rin sa COVID-19 ang mga BTS members na sina Suga, RM at Jin.

Arci proud ARMY; lumipad pa-Korea makanuod lang ng concert at pumila ng 5 oras para sa BTS merch

Yorme gagaya sa style ng Korea para palakasin ang showbiz industry; inspirasyon ang BTS, Blackpink

BTS ‘rest-rest’ din pag may time; makakasama ang pamilya ngayong holiday season

Read more...