Iya sa anniversary nila ni Drew: 18 years together, 8 years married and still forever to go…

Iya Villania at Drew Arellano

WALONG taon nang nagsasama ang Kapuso couple na sina Iya Villania at Drew Arellano bilang mag-asawa.

Ngayong araw, Jan. 31, ipinagdiriwang ng dalawang host ang kanilang eight anniversary at muli, pinakilig nga nila ang mga fans at netizens sa mensahe nila para sa isa’t isa.

Sa kanyang Instagram account, idinaan ni Iya ang kanyang sweet message para kay Drew kalakip ang ilang never-before-seen photos at video clips nang mag-propose sa kanya ang asawa.

“Took a while for it to sink in when you finally proposed (even if I was waiting in anticipation during the trip!). 

“But I think now, with 3 kids in and another on the way, it couldn’t be more real. What a life I have with you, love @drewarellano. 18 years together, 8 years married and still forever to go. Love you beb, happy anniversary.” 

Kasunod nito, naikuwento rin ng Kapuso actress at TV host ang isang nakakaaliw na kaganapan na nangyari sa kanilang engagement na nangyari sa pagbabakasyon nila sa Europe noong 2013.

“Trivia: He was supposed to propose to me on the dock in the background (right where my nose is).
“But it was so cold I didn’t want to go there so instead, he proposed to me in the castle that no one else really wanted to go to but me. 

“Also, he was struggling trying to keep it a surprise from me ‘coz I kept on asking where he’d propose! What a trip!” kuwento pa ni Iya.


Samantala, hindi rin nakalimot na bumati si Drew sa kanyang misis para sa kanilang anibersaryo. Aniya sa caption ng photo nila ni misis, “8 to (infinity)! Happy anniversary, @iyavillania!” 

Ikinasal ang celebrity couple sa isang bonggang seremonya na ginanap sa Nasugbu, Batangas noong Jan. 31, 2014. 

May tatlo na silang anak ngayon, sina Primo, Leon at Alana. Kamakailan ay in-announce ng mag-asawa na on the way na ang kanilang fourth baby.
https://bandera.inquirer.net/283027/iya-umaming-hindi-na-imagine-na-magpapakasal-kay-drew-kasi-hindi-naman-yan-yung-type-ko-mars
https://bandera.inquirer.net/285911/hugot-ni-drew-sa-3-anak-bilang-tatay-its-better-to-be-good-than-to-be-right
https://bandera.inquirer.net/302072/kumpirmado-iya-villania-buntis-uli-sa-4th-baby-nila-ni-drew-arellano

Read more...