Miss USA 2019 Cheslie Kryst pumanaw na sa edad 30; Catriona, Pia, Marian nagluluksa

Cheslie Kryst, Marian Rivera at Catriona Gray

IKINAGULAT ng buong mundo ang biglaang pagkamatay ni 2019 Miss USA Cheslie Kryst na isa sa naging miyembro ng 70th edition ng Miss Universe selection committee.

Ayon sa report, namatay ang 30-year-old American beauty queen at lawyer matapos tumalon sa 60-story Orion Condominium sa New York City, nitong Linggo, Jan. 30 (New York time).

Sa 9th floor ng nasabing building nakatira si Cheslie pero may mga nakakita umano sa kanya sa 29th floor terrace bago nga matagpuan ang kanyang katawan sa 42nd Street.

Base pa sa paunang imbestigasyon, may huling habilin daw ang beauty queen sa kanyang ina tungkol sa lahat ng kanyang naiwan, pero wala raw binanggit kung bakit nagdesisyon siyang tapusin na ang kanyang buhay.

May paramdam din ang 2019 Miss Universe contestant sa kanyang Instagram account bago tuluyang mamaalam sa mundo. Ang huling mensaheng ipinost niya sa IG ay, “May this day bring you rest and peace.”

Narito ang bahagi ng official statement ng pamilya ni Cheslie tungkol sa kanyang pagpanaw, “In devastation and great sorrow, we share the passing of our beloved Cheslie. 

“Her great light was one that inspired others around the world with her beauty and strength. She cared, she loved, she laughed and she shined.

“Cheslie embodied love and served others, whether through her work as an attorney fighting for social justice, as Miss USA and as a host on Extra. But most importantly, as a daughter, sister, friend, mentor and colleague — we know her impact will live on.”


Isa si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga unang nakiramay sa mga naulila ni Cheslie. Matatandang naging housemate ni Cheslie si Catriona noong 2019 sa New York Apartment.

“I can’t believe the news. Rest in peace angel. The world will miss your light.

“If you or someone you know is considering suicide, please contact the National Suicide Prevention Lifeline at 1-800-273-TALK (8255) or go to suicidepreventionlifeline.org.

“Also, let’s reach out to friends and loved ones. These continue to be isolationg times, mental health is so important, let’s not downplay its importance in the lives of every individual,” ang caption ni Catriona sa Instagram photo nila ng kaibigan na ipinost niya ngayong araw.

Ito naman ang mensahe ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, “So sorry, Cheslie.. you were so kind. Thank you. You’re an inspiration and loved by so many. Rest in peace, Cheslie.”

Naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang Miss Universe at Miss USA Organizations tungkol sa malungkot na balita.

“The Miss Universe and Miss USA Organizations are devastated to learn about the loss of Miss USA 2019 Cheslie Kryst.

“She was one of the brightest, warmest, and most kind people we have ever had the privilege of knowing, and she lit up every room she entered.

“Our entire community mourns her loss, and our thoughts and prayers are with her family during this difficult time.

“If you are struggling with suicidal thoughts or are experiencing a mental health crisis, please seek help by calling the National Suicide Prevention hotline at 1 800-273-8255 or go to SuicidePreventionLifeLine.org.”

Siguradong nagluluksa rin ngayon ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa pagpanaw ni Cheslie dahil personal niya itong nakilala sa coronation night ng 70th Miss Universe na ginanap sa Eilat, Israel noong Dec. 13, 2021.

Parehong naging judge sina Marian at Cheslie sa nasabing international pageant at sa katunayan sila pa ang magkatabi sa upuan sa preliminary competition ng pageant.

https://bandera.inquirer.net/294450/bea-gomez-sa-2021-miss-univese-ph-crown-ayoko-talagang-matulog-baka-dream-lang-lahat

https://bandera.inquirer.net/299908/jay-r-jake-zyrus-pinakilig-ang-mga-fil-am-nangharana-sa-miss-philippines-usa-2021

https://bandera.inquirer.net/299893/marian-rarampa-na-sa-israel-kinabog-si-bea-sa-dami-ng-luggage

Read more...